Muling bumagsak ang bilang ng may trabaho sa inilabas na datos noong Marso 18 ng Philippine Statistics Authority. Ayon sa ahensya, umaabot sa halos 3.6 milyon ang nawala sa pwersa sa paggawa noong Enero, mula 49.5 milyon noong Disyembre 2021 tungong 45.9 milyon noong Enero. Ayon sa IBON foundation, idinidiin ng mga datos na ito […]
Tinawag ni Bong Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno at kandidato pagkasenador ng Makabayan, ang National Economic and Development Authority at Department of Finance na “walang puso sa mga manggagawa tulad ni (Rodrigo) Duterte” matapos inayawan ng ahensya ang pagsasabatas ng isang pambansang minimum na sahod. Ito ay matapos sinalungat ng mga upisyal ng ahensya […]
Binatikos ng mga demokratikong grupo ang pagtaas ang walang-awang pagtaas ng Meralco sa singil nito sa kuryente ngayong Marso. Noong Marso 17, nagpiket ang grupong Anakpawis sa Kamias, Quezon City para ipanawagan na ibaba ng kumpanya ang singil nito. Sigaw nila, “Serbisyo sa tao, wag gawing negosyo!” Tulad ng industriya ng langis, deregularisado rin ang […]
Walang naging benepisyo sa mga konsyumer ang pagbaha ng imported na karneng baboy at bigas, taliwas sa ipinangako ng National Economic and Development Authority nang ibaba nito ang taripa (buwis sa pang-angkat) at itinaas ang bolyum ng maaaring iimport ng Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa. Ito ay dahil nananatiling mataas at nagbabadya pang muling […]
Nakakagalit at kasuklam-suklam ang halagang P200 na ayuda ng pasistang rehimeng US-Duterte bilang tugon sa harap ng patuloy na paglala ng kagutuman at paghihirap ng nakararaming Pilipino sanhi ng mga umiiral na neoliberal at anti-mamamayang patakaran ng rehimen, naging kriminal na kapabayaan ng gubyerno sa pagharap sa pandemya at ngayon ang pagsirit ng presyo ng […]
Tumanggi kahapon si Rodrigo Duterte na isuspinde ang excise tax sa langis. Taliwas ito sa panawagan ng maraming sektor sa lipunan para sana maibsan ang walang awat na pagsirit at bahagyang ibaba ang presyo ng mga produktong petrolyo. Sa halip, balak ng rehimen na mamudmod ng kakarampot na ₱200 sa “pinakamahirap na 50%” o 12 […]
Hindi totoong lumobo ang utang ng bansa para sa pangangailangan sa pagharap sa pandemya, taliwas sa sinasabi ng mga upisyal sa ekonomya ng rehimeng Duterte. Ayon sa pananaliksik ng Ibon Foundation, mas malaking bahagi ng inutang ng rehimen mula tumama ang pandemya noong 2020 ay ginamit para tustusan ang programa sa imprastruktura at pagbabayad ng […]
Naglunsad ng koordinadong tigil-palaot ang mga mangingisda sa pangunguna ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ngayong araw, Marso 15, bilang protesta sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. Umaaray ang sektor ng pangisda dahil umaabot na sa halos 80% ng kanilang gastos sa produksyon ay napupunta na lamang sa […]
Walang kahabag-habag ang mga sugapa-sa-tubong kumpanya sa langis at adik-sa-buwis na gubyernong Duterte sa planong ₱12 kada litrong pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na linggo. Kriminal, kung tutuusin, ang planong ito at tiyak na daragdag sa pagdurusa ng masang Pilipinong dati nang naghihirap sa sumisirit na presyo at butas nilang bulsa. Dapat […]
The profit-hungry oil companies and the tax-addict Duterte government are utterly callous in the face of plans to increase prices of fuel products by around ₱12 per liter next week. These planned increases are virtually criminal and will for certain bring greater hardships to the Filipino masses who are already burdened by skyrocketing prices and […]