Itinakwil ng mga manggagawa at mamamayang Brazilian ang naganap na tangkang kudeta noong Enero 8 laban sa halal na presidente ng bansa na si Luiz Inácio Lula da Silva (kilala bilang Lula). Kaugnay nito, nakikiisa ang komite ng International League of Peoples’ Struggles para sa Latin America at Carribean sa panawagan ng aktibong pagpapakilos laban […]
Minasaker noong Enero 9 ng mga pwersang panseguridad ng Peru ang 17 raliyistang Peruvian na tumututol sa pang-aagaw ni Dina Boluarte, bise presidente ng bansa, sa pinakamataas na pwesto ng estado sa pamamagitan ng “kudeta sa parlamento.” Naganap ang masaker sa syudad ng Juliaca sa katimugang bahagi ng bansa. Nasa 68 iba pa ang malubhang […]
Ikinasa ng mga asosasyon ng nars sa New York, US ang kanilang welga noong Enero 9 para igiit ang pagtitiyak ng ligtas na patient-to-staff ratio, makatarungang sahod at pagpapanatili ng kanilang mga benepisyo. Mahigit 7,000 nars mula sa dalawang malaking ospital sa ilalim ng New York State Nurses ang bumoto na magwelga, matapos tumanggi ang […]
Pumapasok na sa ikawalong taon ang brutal na digmang agresyon ng Saudi Arabia sa mamamayan sa Yemen ngayong 2023. Ayon sa Eye for Humanity, isang organisasyong nakabase sa Yemen, umaabot na sa 17,734 indibidwal ang napatay at 30,000 ang nasugatan ng mga pwersa ng Saudi Arabia at mga kaalyado nito. Di bababa sa 4,017 sa […]
Lubos nang binuksan noong Enero 1 ng Venezuela ang hangganan sa pagitan nito at ng Colombia bilang huling hakbang ng pagbabalik ng relasyong komersyal at diplomatiko sa pagitan ng dalawang bansa. Isinabay dito ang pagbubukas ng Tienditas International Bridge na nagdudugtong sa Tachira ng Venezuela at Nore de Santander ng Colombia. Ipinasara ang tulay noong […]
Ipinaabot ng iba’t ibang organisasyong pulitikal at organisasyon ang pagbati at pakikiisa sa pagdiriwang ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa ika-54 anibersaryo nito noong Disyembre 26, 2022. Kabilang sa mga organisasyong ito ang Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS)-China, Communist Party of Turkey-Marxist Leninist (TKP-ML) at armadong pwersa nitong Turkish Workers and […]
Sinang-ayunan noong Disyembre 30 ng 87 bansa sa ilalim ng United Nations General Assembly ang isang resolusyon na humihingi sa International Court of Justice (ICJ) ng ligal na opinyon nito kaugnay sa patuloy na pagtanggi ng Israel na wakasan ang iligal na okupasyon nito sa mga teritoryo ng Palestine, partikular sa West Bank at Jerusalem. […]
Ikinasa ng mga unyong manggagawa sa iba’t ibang sektor ng United Kingdom ang kani-kanilang mga welga para sa disenteng sahod at makataong mga kundisyon sa paggawa nitong Disyembre. Tinatayang aabot sa 500,000 hanggang isang milyong manggagawa ang magwewelga hanggang sa katapusan ng taon. Bahagi ang mga ito sa pagsiklab ng mga pakikibaka ng mga manggagawa […]
Pitong Peruvian ang naiulat na napatay sa serye ng mga protesta na nagsimula noong Disyembre 8. Kabilang ang pito sa puu-puong libong mamamayan sa Peru na humugos sa lansangan sa iba’t ibang bahagi ng bansa para itakwil ang kudeta sa parlamento na nagpatalsik sa halal na presidenteng si Pedro Castillo. Tinanggal sa pwesto si Castillo […]
Ibinalita noong huling linggo ng Nobyembre ng mga pahayagan sa Europe ang disgusto ng mga upisyal ng European Union sa “profiteering” o pagsasamantala ng US sa gera sa Ukraine para magkamal ng bilyun-bilyong tubo. Anila, ang US ang pinakanakikinabang sa gera hindi lamang dahil nakapagbebenta ito ng napakaraming armas, kundi dahil nakapagbebenta rin ito ng […]