Archive of International

Rehimeng Modi sa India, natulak na ibasura ang kontra-magsasakang mga batas
November 19, 2021

Matapos ang isang taon ng dambuhala at sustenidong mga protesta sa India, natulak ng mga magsasaka si Indian Prime Minister Narendra Modi na ianunsyo noong Biyernes ang kanyang planong ibasura ang tatlong neoliberal na batas sa pagsasaka na kanyang ipinatupad noong Setyembre 2020. Ang tatlong batas na ito—ang amyenda sa Essential Commodities Ordinance, Farming Produce […]

Umiigting na pag-atake ng US sa gubyernong Sandinista ng Nicaragua
November 18, 2021

Inianunsyo kahapon ni Pres. Joe Biden na hindi na pahihintulutang pumasok sa US ang lahat ng upisyal sa gubyerno ng Nicaragua. Ipinatupad ito bilang bahagi ng komprehensibong imperyalistang atake ng US sa Nicaragua kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng mamamayan nito sa kanilang pambansang eleksyon noong Nobyembre 7. Layon ng US at mga alyado nito […]

ILPS, tinutulan ang pag-extradite ng isang aktibista tungong Colombia
November 16, 2021

Tinutulan ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS) ang plano ng gubyerno ng Colombia na i-extradite o iuwi ang akbistang Argentine na si Facundo Morales. Si Morales, dating kasapi ng nabuwag nang Revolutionary Armed Forces of Colombia (FARC), ay inaresto ng mga ahente ng International Criminal Police Organization (Interpol) noong Nobyembre 6 sa Chubut, Argentina […]

COP26: Mga salarin sa climate change
November 15, 2021

Tulad sa nagdaang mga “climate change conference,” nagtapos muli sa mga pangako ang dalawang linggong United Nations (UN) Climate Change Conference na idinaos sa Glasgow, Scotland, United Kingdom (UK). Nagsimula ang tinaguring COP26 (o ika-26 na Conference of the Parties) noong Oktubre 31 at dinaluhan ng mahigit 2,500 delegado mula sa 200 bansa. Inasahan sa […]

Pambobomba ng US sa 64 sibilyan sa Syria, ibinunyag
November 14, 2021

Ibinunyag sa isang ulat ng pahayagang New York Times noong Nobyembre 14 ang sadyang pagtatago ng militar ng US sa pagpatay nito sa puu-puong sibilyan sa isinagawa nitong pambobomba sa Syria. Inilarawan ang pambobomba na “krimen sa gera” kahit ng mga upisyal militar. Sa partikular, tinukoy ng pahayagan ang insidente noong 2019 kung saan di […]

"Malaking ginhawa" ang hindi pagkakahalal ni Roque sa ILC
November 13, 2021

Tinawag na “isang malaking ginhawa” ng unyon ng mga Pilipinong abugado ang hindi pagkakahalal sa tagapagsalita ni Rodrigo Duterte na si Harry Roque sa International Law Commission (ILC) noong Sabado. Sa isang pahayag, binati ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ang “botong klarong pagtatakwil kay Roque” ng United Nations (UN) “sa harap ng malalakas […]

Cuba, isa sa mga nangunguna sa pagbabakuna sa mundo
November 09, 2021

Pumapangalawa ang Cuba sa 218 bansa sa bilang ng mga nabakunahan kada 100 ka tao. Ngayong araw, Nobyembre 9, mahigit 26 milyong bakuna na ang naiturok sa bansa sa tantos na 232 ka dosis sa bawat 100 ka tao. (Nangunguna sa mga bansa ang Gilbrartar na nakapagturok ng 91,931 dosis sa tantos na 273 na […]

Iligal na extradition ng US sa diplomat ng Venezuela, kinundena ng NDFP
November 09, 2021

Mahigpit na binatikos ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pagdukot at iligal na pagkukulong sa diplomat ng Venezuela na si Alex Nain Saab Moran. Nakadetine si Moran sa isang maliit na bansa sa kanlurang bahagi ng Africa nang dukutin ng mga tauhan ng US, sapilitang dinala sa US at iligal na ikinulong […]

Colombian farmers arrest 180 soldiers
October 30, 2021

Farmers in Colombia arrested 180 soldiers to protest the government’s campaign to eradicate their coca farms. Armed with sticks and machetes, around 600 farmers surrounded the soldiers last October 26 in Tibú, Norte de Santander. The soldiers were deployed to the municipality in October 22 with orders to to destroy their farms. The farmers belong […]

180 sundalo, inaresto ng mga magsasaka sa Colombia
October 30, 2021

Inaresto ng mga magsasaka sa bansang Colombia ang 180 sundalo bilang pagtutol sa kampanya ng gubyerno ng pagwasak sa kanilang mga tanim na coca. Armado ng mga pamalo at itak, pinalibutan ng mga magsasaka ang mga sundalo noong Oktubre 26 sa Tibú, Norte de Santander. Idineploy ang mga sundalo noong Oktubre 22 sa naturang bayan […]