Inambus ng isang yunit ng Bienvenido Valleber Command (BVC)-BHB Palawan ang nag-ooperasyong tropa ng 3rd Marine Battalion Landing Team (MBLT) sa Sityo Kayasan, Barangay Nicanor Zabala, Roxas noong Hulyo 13, bandang alas-dose ng tanghali. Naglalakad ang isang platun ng berdugong Marines nang pasabugan sila ng dalawang command detonated explosives. Dahil sa labis na kahihiyan, itinago […]
Binigo ng nagbarikadang mga manininda at residente ng Brgy. Tartaria, Silang, Cavite ang iligal na demolisyon sa higit 100 bahay at mga tindahan sa kahabaan ng Santa Rosa-Tagaytay Road noong Hulyo 14. Walang ipinakitang court order para sa demolisyon ang 200-kataong demolition team na ipinadala ng nagpapalayas na pamilya Aguinaldo. Magiting na hinarap ng mga […]
Hatol ng TK. Tumungo ang mga progresibong organisasyon mula sa Timog Katagalungan sa UP Diliman, Quezon City noong Hulyo 26 upang lumahok sa protestang bayan sa ika-anim na State of the Nation Address ng rehimeng Duterte. Ipinahayag nila ang tunay na kalagayan ng mamamayan ng TK at kinundena ang pag-aabala ng rehimen sa eleksyong 2022 […]
Sa unang anibersaryo ng pagsasabatas ng Anti-Terror Law (ATL) noong Hulyo 4, naglunsad ng kilos protesta ang mga militanteng organisasyon sa Timog Katagalugan sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST) sa Balibago, Sta. Rosa Laguna. Nanawagan sila sa pambansa at internasyunal na komunidad na pahigpitin ang pagkakaisa at palakasin ang mga kampanya laban sa […]
Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Gaya ng kanyang iniidolong diktador na si Marcos, hinahangad ni Duterte na magtagal sa estado-poder at maghari lagpas sa kanyang termino. Tigas-mukha siyang nagluluto ng mga pakana upang makapanatili sa kapangyarihan at takasan ang kanyang mga krimen sa bayan. Higit lamang nitong itinutulak ang mamamayang Pilipino na ubos-kayang kumilos para hadlangan ang pananatili sa kapangyarihan […]
Sinalubong ng mamamayan ng kilos-protesta ang ikalimang taon bilang pangulo ni Duterte noong Hunyo 30. Sa Timog Katagalugan, tumungo ang mga militanteng organisasyon sa pamumuno ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST) sa San Pedro, Laguna upang ipanawagan na wakasan ang limang taong tiraniya ng rehimeng Duterte. Sa pagkilos, iniladlad nila ang isang mural na nagpapakita […]
Tunay na Ginto ni Ka Yael Ang tunay na ginto hindi natatakot idarang sa nagngangalit na apoy. Sa lumalagablab na pandayan ng makauring tunggalian: ang mamamayang lumalaban para sa karapatan ang hukbong sumusulong sa mga armadong labanan at lahat na mithi ay tunay na kalayaan at kapayapaan Taglay ang bagsik ng dakilang pagkakasubo; sila’y mas […]
Wala akong ibang sadya ni Ka Yana Wala akong ibang sadya sa pakikibakang ginawa Kundi ang mapalaya ka, Ang makita kang maginhawa, at ligtas sa pagdurusa Kaming mga anak mo, laon nang binubusabos, dinarahas, At kaylangan kong may magawa, upang ang katarungan ay maihandog sa ‘yo, aking Ina Walang ibang sadya, panahon at buhay ko […]
May pandemya o wala, tuloy ang pagratsada ni Duterte sa mga proyektong New Centennial Water Source-Kaliwa Dam sa Quezon at Wawa-Violago Dam sa Rizal. Sa ngalan ng pagpapakatuta ni Duterte sa imperyalismong China, minamadali na ngayon ng rehimen ang pagtatayo ng Kaliwa Dam bago matapos ang kanyang termino sa 2022. Sa tuluyang pagtiklop ng rehimeng […]