Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Higit pang lalala ang atrosidad ng teroristang estado sa mamamayang Pilipino sa pagbabalik-poder ng mga berdugong heneral na sina Andres Centino, Carlito Galvez Jr. at Eduardo Año. Madugo ang rekord ng mga heneral na ito sa ilalim ng tiranikong rehimeng Duterte. Sila ang nanguna sa kontra-rebolusyonaryong gera ng estado na nagresulta sa kabi-kabilang pagpaslang, masaker, […]
Tumataas ang presyo ng asukal sa palengke subalit ang presyo ng tubo kada tonelada ay hindi nagbabago. Ito ang inirereklamo ni Tatay Torres, isang maggagapak sa Tuy, Batangas. Bahagi siya ng masang anakpawis na pinipiga ng mga panginoong maylupa’t malalaking burgesya kumprador na kumokontrol at nagpapasasa sa kita ng industriya ng asukal. Monopolyado ng mga […]
KORESPONSAL Sa ating muling pagtatagpo ni Ka Bora “Isang mapula at mainit na pagbati!” bati ko nang pinagsalita ako bilang representante ng MAKIBAKA* sa ika-54 na anibersaryo ng Partido sa isang sonang gerilya sa Timog Katagalugan. Bago makarating sa site, naligo na ang suot kong t-shirt at parka nang lumangoy ako sa kumunoy na ika […]
Bagong tapak ng elementarya ang bunsong anak ni Karen noong umalis siya para magtrabaho sa isang pabrika ng microchips sa Taiwan. Ngayon, maghahayskul na ang kanyang bunso at patapos na ng senior high school ang panganay. Sa orihinal na plano ng pamilya ay uuwi na si Karen, subalit nagbago ang kanyang pasya nang tumindi ang […]
Kasuklam-suklam ang naghaharing kleptokrasya sa pamumuno ni Ferdinand Marcos, Jr. na nagpapakanang ibayong dambungin ang pondo ng bayan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF). Ang MIF ay isang sovereign wealth fund (SWF) na inaasahang makakalikom ng inisyal na ₱275 bilyong kapital. Dagdag pasakit ito sa mamamayang Pilipino dahil nanakawin ng reaksyunaryong gubyerno ang kanilang […]
Sumasambulat ang malalaking kilos-protesta sa United Kingdom, isang panlipunang ligalig na yumayanig sa noo’y pinakamakapangyarihang imperyo sa daigdig. Ang daluyong ng protestang nagsimula pa noong 2019 hanggang sa kasalukuyan ang pinakamalaki sa UK mula nang pumutok ang Pandaigdigang Krisis sa Pinansya noong 2008. Lumalahok sa mga pagkilos ang mga manggagawa, propesyunal, mga kabataan, bitbit ang […]
Isang dakilang mag-aaral ng masa at dalubhasa ng Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM) si Ka Joma. Sa kanyang buong buhay, nailimbag ang napakaraming mga akdang naging pundasyon ng muling pagsilang at tuluy-tuloy na pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas. Matalas na ipinagtanggol niya ang MLM sa harap ng opensiba ng imperyalismo at pandaigdigang burgesya laluna matapos na mamatay […]
Lumahok sa International Labour Organization High Level Tripartite Mission (ILO HLTM) noong Enero 23-27 ang mga unyon at samahan ng manggagawa sa Timog Katagalugan sa ilalim ng Pinagkaisang Lakas ng Manggagawa sa Timog Katagalugan (Pamantik) at Organized Labor Association in Line Industry and Agriculture (OLALIA) upang ipaabot ang kalagayan ng paggawa sa rehiyon. Inilantad din […]
Hindi bababa sa 10 sundalo ang kaswalti, kung saan dalawa ang kumpirmadong patay, sa engkwentro sa pagitan ng mga pwersa ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-BHB Quezon at 85th IBPA sa Brgy. Pansoy, San Andres noong Enero 27. Aktibong nagdepensa ang yunit ng BHB na sinalakay ng isang platun ng 85th IB, bandang alas-3 ng hapon. […]