Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Mag-aarmas ang mamamayan laban sa terorismo ng estado
June 27, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Hindi nakapagtatakang desperado nang manawagan ang mga terorista at pahirap na gaya ni Duterte na mag-armas ang sibilyang populasyon. Lantad na lantad na ang pangangatog ng kanyang tuhod sa harap ng lumalakas na armadong paglaban ng mamamayan. Ngunit, hindi na kailangang udyukan ang mamamayang mag-armas. Ilang siglo na nila itong ginagawa at ginagamit upang ipagtanggol […]

Ligalig at teror, kakambal ng mga operasyong militar at pulis sa Bikol
June 27, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Kakambal ng anumang operasyon ng AFP-PNP-CAFGU ang pagdanak ng dugo at pagkitil ng karapatang tao ng sibilyang populasyon. Nitong Hunyo 14-22, anim na sibilyan ang inaresto ng pulis. Nangangahulugan ito ng halos araw-araw na pang-aaresto ng mga sibilyan sa loob lamang ng isang linggo. Ilan sa mga inaresto sa panahong ito ay kabilang sa 20 […]

Pananalasa ng RCSP sa Partido Area: Pandarambong ng mga likas-yaman, pagwawasiwas ng teror sa mga komunidad
June 26, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-East Camarines Sur (Tomas Pilapil Command) | Baldomero Archanghel | Spokesperson |

Dinudumog ng militar ang Partido area. Mula sa siyam na barangay noong Mayo, 23 nang barangay o 61% ng bayan ng Tinambac ang sinasalanta sa kasalukuyan ng operasyong Retooled Community Support Program (RCSP). Tatlong barangay sa Lagonoy at dalawa pang barangay sa Goa ang militarisado rin. Tapat sa pagiging mersenaryo, nagsisilbing goons ng mga dambuhalang […]

Salot na SACLEO, modus operandi ng PNP/RMFBn, muling Nanalasa!
June 24, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Sur (Eduardo Olbara Command) |

Mariing kinukundena ng Eduardo Olbara Command Bagong Hukbong Bayan – Camarines Sur (EOC BHB – Camarines Sur) ang pagpatay sa walang kalaban-labang sibilyang magsasaka na si Alex Llabres, 46 na taong gulang, may asawa at mga anak, residente ng Brgy. San Roque Heights, Bula, Camarines Sur. Death warrant at hindi arrest warrant ang bitbit ng […]

Hindi NPA ang tinaguriang #1 most wanted sa Donsol
June 23, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Mariin naming kinukundena ang muling pag-atake ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Donsol, Sorsogon nitong Hunyo 17. Taliwas sa sinasabi ng pulisya, hindi kailanman naging kasapi ng NPA ang dinakip nilang si Jesus Macenas na umano’y #1 wanted person sa Donsol at #8 wanted person sa rehiyon. Si Macenas ay isang magsasakang nagmamay-ari […]