Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Kabataan sa Northern Samar, inistraping ng 43rd IB; abusong militar sa Las Navas, umiigting
June 22, 2026 | New People's Army | Eastern Visayas Regional Operational Command (Efren Martires Command) | NPA-Northern Samar (Rodante Urtal Command) | Amado Pesante | Spokesperson |

Walang engkwentrong naganap sa pagitan ng 43rd Infantry Battalion at Bagong Hukbong Bayan noong Hunyo 13 sa Barangay Caputoan, Las Navas, Northern Samar. Sa halip, walang habas na inistraping ng pasistang batalyon si Olid Yanay, isang kabataang magsasaka mula sa Barangay Paco, bandang alas-8 ng umaga ng araw na iyon. Kahit na isa sa mga […]

Lumalaking agwat ng mayayaman at mahihirap, lumalalang krisis sa lipunan
June 21, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nag-aapoy ang galit ng mamamayan ng Timog Katagalugan na sa gitna ng krisis mula bungad ng taon na nagsasadlak sa kanila sa napakalalim na karalitaan, namamayagpag ang iilang mga naghaharing-uri sa pagpapakasasa sa bunga ng pawis at dugo ng sambayanang Pilipino. Naiulat ngayong buwan ang pinakaunang trilyonaryong Pilipino, si Enrique Razon Jr na may tinatayang […]

Ang Bayan | June 21, 2026
June 21, 2026

Ang Bayan (“The People”) is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism. It is published by the Central Committee. AB comes out fortnightly every 7th and 21st of each month. The original Pilipino edition is translated into English, Bisaya, Waray, Hiligaynon and Iloko.

Labanan ang hayok-sa-gerang imperyalismong US
June 21, 2026

Mahigit 100 araw mula noong Pebrero 28 nang simulan ng imperyalismong US at Zionistang estado ng Israel ang paglusob at ilang linggong pambobomba sa bansang Iran, pinirmahan ng dalawang bansa noong Hunyo 17 ang memorandum of understanding o “unawaan” matapos ang masalimuot na negosasyon sa Islamabad, Pakistan. Laman ng unawaang ito ang “ceasefire” o tigil-putukan […]

Operasyong ambus at haras, inilunsad ng BHB-Negros
June 21, 2026

Magkasunod na taktikaL na opensiba ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Negros Island noong Hunyo 12 at 14. Isang aktibong depensa naman ang inilunsad sa Northern Samar. Noong Hunyo 14, inambus ng BHB-Northern Negros (Roselyn Jean Pelle Command) ang tropa ng Regional Mobile Force Battalion-Negros Island Region na nagsasagawa ng […]