Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Bukas na liham sa Bagong Hukbong Bayan
June 12, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Bicol |

Dahil isinusulong ninyo ang aming interes, makakaasa kayong ngayon, at sa lahat ng panahon, nasa sa inyo ang aming tiwala at pagpanig. Tiyak kaming kayo ay magwawasto, magpapakahusay at hahango ng mga aral sa karanasang ito para sa pagsusulong ng ating rebolusyon.

Ang digmang bayan ay para sa tunay na kapayapaan ng mamamayan
June 12, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Nananaginip nang gising ang AFP-PNP-CAFGU, NTF-ELCAC at buong pasistang estadong kung inaakala nilang makukumbinsi nila ang mamamayang umayon sa kanilang kampanyang pagpapasuko at pagpapasalong ng armas sa mga kasapi ng NPA sa gitna ng walang patumangga nilang pang-aatake sa sibilyang populasyon. Nitong Hunyo 8, tatlong sibilyan na naman ang pinaslang ng mga berdugo para palabasing […]

Mga sibilyang magsasaka ang dinukot at pinaslang ng PTF-ELCAC sa Brgy. Anas, Masbate
June 09, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDF-Bikol ang nagpapatuloy na panlilinlang at paghahasik ng kasinungalingan ng PTF-ELCAC ng Masbate kaugnay nang gawa-gawang labanang ilinunsad ng pinagsanib na pwersa ng 2nd IB at PNP-Masbate. Hindi totoong nagkaroon ng labanan sa pagitan ng yunit ng BHB ng Jose Rapsing Command-Masbate at mga elemento ng sundalo at pulis sa So. Porang, Brgy. Anas, Masbate City nitong Hunyo 8. Mula alas-4 hanggang alas-8 ng umaga, walang puknat na nagpaputok at naglustay ng bala ang militar at pulis. Dinukot at pinaslang ng berdugong tropa ang tatlong magsasakang sibilyan na sina Tony Poligrates ng Villa Hermosa, Cawayan, Boy Briones ng Brgy. Matiporon, Milagros at isa pang inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Tatlong sibilyan ang detenido ng 31st IB sa Donsol
June 08, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Kinukundena namin ang pagdukot ng 31st IBPA sa tatlong magsasakang sibilyan sa Donsol nitong Hunyo 6. Ang mga biktima ay sina Etoy Magdamit Jr. at Antonio Razo Jr., kapwa taga-Barangay San Francisco, at si Salvador Moscoso, taga-Barangay Cabugao ng naturang bayan. Nagkokopra ang nabanggit na mga sibilyan habang ginagalugad ng mga elemento ng 31st IB […]

Hinggil sa trahedya sa Masbate noong Hunyo 6
June 08, 2021 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Read in: English Ipinapahayag ng buong Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang taos-pusong pakikidalamhati kaugnay ng hindi napapanahon at hindi kinakailangang pagkamatay ng magpinsang Keith at Nolven Absalon at pagkapinsala sa iba pa dulot ng mga pagkakamali sa aksyong militar ng isang yunit ng BHB sa Barangay Anas, Masbate City […]