Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Pinakamataas na pagpupugay kay Kasamang Rosalino "Ka Yuni" Canubas
Ipinaaabot ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komiteng Rehiyon sa Cagayan Valley (KTKR-CV) ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Pangrehiyong Kumand sa Operasyon (ROC) ng Bagong Hukbong Bayan ang pinakamataas na pagpupugay kay Kasamang Rosalino Canubas sa kanyang pagpanaw. Nasawi siya sa isang labanan sa Barangay San Mariano Sur, San Guillermo, Isabela noong umaga ng Marso […]
Bukas na Liham ng Pambansang Katipunan ng mga Mabubukid-Bikol (PKM-Bikol) sa BHB
Para sa mga kasama, Narinig namin sa balita ang nangyaring reyd sa Labo. Hindi rin lingid sa amin ang mga bira ng kasama sa Albay at sa iba pang prubinsya laban sa pwersa ng mersenaryong hukbo ng naghaharing-uri. Salamat at pagpupugay! Binigwasan ninyo ang kaaway ng mamamayan para sa lahat ng inaapi at pinagsasamantalahan. Muli […]
Hambog at Pasista si Eleazar!
Hihingalin lamang si PNP Officer-in-Charge Guillermo Eleazar sa kasasalba sa prestihiyo at kredibilidad ng institusyong kanyang pinamumunuan. Hindi pa man humuhupa ang pagkundena sa kapalpakan ng mga operasyong kontra-droga at malawakang brutalidad ng Synchonized Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa CALABARZON at Bikol, heto’t nagkukumahaog na naman siyang ilibing ang kanilang kapalpakan at pagkatalo […]
Bukas na liham ng PKM-Bikol sa mga kagawad ng midya hinggil sa katwiran ng digmang bayan
Makinig kayong maigi. Umaalingawngaw ang pagbubunyi ng masang anakpawis! Pakinggan ninyo silang ipagdiwang ang tagumpay ng Bagong Hukbong Bayan! Dito, sa mga bukid at kaparangan, walang kapantay na pasasalamat at tuwa ang nararamdaman ng masang dinusta, dinahas at pinagsamantalahan ng pasistang estado sa matagumpay na bigwas ng Armando Catapia Command (ACC-BHB Camarines Norte) laban sa […]
Maaaring sumuko ang mga pwersa ng AFP at PNP para iwasang ang pagkawala ng buhay
Read in: English Ang reyd ng BHB sa Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte nooong Biyernes ay isang lehitimong aksyong militar na naaayon sa internasyunal na alituntunin sa paglulunsad ng digma. Ang target, isang kontra-insurhensyang istasyon ng mahusay na sinanay na espesyal na pwersa ng pulis, ay isang lehitimong target militar. Napaslang sa labanan ang limang […]