Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Gunitain ang ika-35 taon ng pag-aalsang EDSA nang may determinasyong isulong ang panlipunang rebolusyon
Read in: English | Hiligaynon Ginugunita natin ngayong araw ang ika-35 anibersaryo ng pag-aalsang EDSA. Sa loob ng apat na araw, milyun-milyong Pilipino ang nagtungo sa mga lansangan para tuluyang wakasan ang 14-taon ng brutal na paghahari ng batas militar ng diktadurang Marcos. Ang pag-aalsang EDSA ang sukdulang kinahantungan ng ilang taong mahirap at buhay-at-kamatayang […]
Abutin ang higit na malalaking tagumpay bitbit ang mga aral ng pag-aalsang EDSA
Ang taun-taong paggunita ng pag-aalsang EDSA ay hamon sa mamamayang Pilipino. Paalala ito na, bagamat napabagsak ang diktaduryang Marcos, nananatiling mga palamuti lamang ng nabubulok na estado ang ilang hibla ng demokrasyang pinatatamasa sa mamamayan. Tulad ng mga literal na palamuti, anumang oras ay maaaring bawiin, tanggalin at ibalik muli kailanman sang-ayon sa interes ng […]
Bulaan ang paratang na kidnapping ni Duterte kontra BHB
Read in: English Ang paratang ni Duterte kahapon na ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) ay kumikidnap ng mga bata ay isang malaking kasinungalingan. Walang kabata-batayan. Ang satsat ni Duterte ay desperadong tangkang ilihis ang mga reklamo ng paglabag sa karapatang-bata laban sa mga upisyal ng pulis na nagreyd sa Paaralang Bawkit sa University of San […]
Batikusin ang pag-aresto sa "potensyal na suicide bombers" na mga kababaihang Moro
Read in: English Nakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa mamamayang Pilipino at Moro sa pagkundena sa di makatwirang maramihang pag-aresto sa siyam na kababaihang Moro sa mga bayan ng Patikul at Jolo sa prubinsya ng Sulu sa hibang na dahilang sila’y “potensyal na suicide bombers.” Bitbit ng marami sa mga inarestong kababaihan ang […]
Walang labanang naganap sa Marinab, Bulan
Mariin naming kinukundena ang ginawang walang habas na pagpapaputok sa mga sibilyan ng mga elemento ng 22nd IB kahapon, Pebrero 23, sa Barangay Marinab, Bulan, Sorsogon. Nasugatan at nasa ospital ngayon ang magsasakang si Salvador Magas na taga-Barangay Taromata ng nasabi ring bayan. Pinalalabas ngayon ng 22nd IB na nagkaroon ng labanan sa lugar at […]