Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Bukas na liham para sa masa ng Sorsogon na ginigipit ng AFP
Nitong mga nakaraang taon, agresibong ipinatupad ng rehimeng US-Duterte ang mapanlinlang na programang E-CLIP na dili iba’t ang pagpapasuko sa mga NPA at panggigipit sa masang pinagbibintangang kalahok sa rebolusyonaryong kilusan. Marami sa inyo at inyong kapamilya ang naobligang pumasok sa programang ito at idineklara bilang “rebel returnees” o mga “balik-loob” kahit na karamihan sa […]
Batikusin ang kudetang militar sa Myanmar, labanan ang lumalaking poder ng militar sa Pilipinas
Read in: English Nakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas sa internasyunal na komunidad sa pagbatikos sa naganap na kudeta sa Myanmar noong Pebrero 1 at imposisyon ng national emergency. Sa pamumuno ni Gen. Min Aung Hlaing, inagaw ng mga lider ng militar ang kapangyarihang pampulitika at ikinulong ang mga sibilyang lider kabilang si Aung San […]
Matagumpay na aktibong depensa ng LDGC sa Mindoro, sampal sa buhong na si Parlade!
Binabati ng Lucio de Guzman Command – New People’s Army-Mindoro (LDGC – NPA-Mindoro) ang matagumpay na aktibong depensa ng isang team nito laban sa pagsalakay at tangkang pag-ambus ng mersenaryong 4th Infantry Battalion-Philippine Army (IBPA) noong Enero 26, 2021, alas-10 ng umaga sa Brgy. Happy Valley, Roxas, Oriental Mindoro. Dahil sa taglay na mataas na […]
Hinggil sa atas ni Gapay na lipulin ang mga larangang gerilya sa katapusan ng 2021
Nangangarap nang gising ang paretirong AFP Chief of Staff na si General Gilbert Gapay na mawawasak nila ang lahat ng mga larangang gerilya sa katapusan ng 2021. Nahihibang si Gapay kung inaakala niyang humihina ang NPA at iilan na lang ang mga nasasaklaw nitong mga larangan. Tulad ng mga nauna sa kanyang hepe ng AFP, […]
Panibagong bogus na pagpapasurender ng AFP sa Cagayan
Muling binobola ng Philippine Army ang sarili sa panibago nitong pag-anunsyo ng diumanong “pagsurender ng 35 kasapi” ng New People’s Army sa Zinundungan Valley sa Rizal, at sa ilan pa sa Amulong at Lallo sa lalawigan ng Cagayan. Sa 35 na diumanong sumurender sa Zinundungan Valley, tatlo lamang ang pinangalanan ni 501st Infantry Brigade commander […]