Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Paigtingin ang mga pakikibaka! Mag-aklas! Ibagsak ang inutil, pabaya at pahirap na pasistang rehimeng US-Duterte!
Ipinaparating ng pamunuan ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang mahigpit nitong pakikiisa at pagsuporta sa sambayanang Pilipino, lalo na sa mga mamamayan ng rehiyong Timog Katagalugan, na ngayon ay ginugunita at ipinagdiriwang ang dakilang araw ng uring anakpawis at ng ika-157 taong kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio — ang kauna-unahang bayaning […]
Sinungaling na 201st Brigade, inaatake ang mamamayan sa gitna ng kalamidad
Malaking kasinungalingan at kahangalan ang ipinangangalandakan ng 201st Brigade na ang mga labanang naganap sa Quezon noong Oktubre 29, Nobyembre 12 at Nobyembre 15 ay resulta ng pang-aatake ng mga yunit ng Apolonio Mendoza Command – New People’s Army Quezon (AMC-NPA) sa kanilang mga tropang diumano’y naglulunsad ng relief operation sa mga nasalanta ng mga […]
Ang pagrerebolusyon ay pangangailanan!
Isang rebolusyonaryong pagbati ang ipinapahatid ng balangay ng Kabataang Makabayan sa Europa sa ika-56 na anibersaryo nito! Sa anumang yugto, saan mang sulok ng mundo, hindi maipagkakaila ang makasaysayang ambag ng mga kabataan at estudyante. Mula sa Rebolusyong Pransya o Storming of Bastille noong 1789. Maging sa panahon ng gera kontra pasismo sa Europa noong […]
Mapangahas na palawakin ang rebolusyonaryong kilusan ng kabataan at estudyante sa rehiyong Ilocos sa harapan ng pasismo’t pandemya! Ubos-kayang kumilos kasama ang masang anakpawis upang wakasan ang Rehimeng US-Duterte!
Lubos ang kagalakan ng Kabataang Makabayan (KM) -Ilocos sa pagpapaabot nito ng rebolusyonaryong pagbati sa ika-56 taong anibersaryong pagkakatatag ng KM sa lahat ng balangay nito sa buong bansa at iba pang panig ng daigdig. Pinakamataas na parangal ang iginagawad ng KM-Ilocos sa lahat ng mga kabataan at estudyanteng martir ng mamamayan ng Ilocos at […]
Pahayag ng Kabataang Makabayan-DATAKO- Balangay ng Elvira sa Ika-56 Anibersaryo ng Kabataang Makabayan
Taas-kamaong pagbati ang ipinapaabot ng KMD- Balangay ng Elvira sa lahat ng kasapi ng KM sa buong bansa. Sa ating paggunita ng ika-56 taon ng pagkakatatag ng KM, ipinagdiriwang natin ang daan-daang tagumpay na nakamit ng mga rebolusyonaryong kabataan sa loob ng higit-limang dekada, gayon din ang mga aral na nakuha natin mula sa puspusang […]