Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Magmobilisa upang tumugon sa epekto ng kalamidad-PKP
Nananawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) noong Disyembre 3 sa lahat ng kumand at yunit ng BHB at mga rebolusyonaryong pangmasang organisasyon na maging handa upang tulungan ang mga apektado ng bagyong Tisoy. “Maaari silang makipag-ugnayan sa mga lokal at internasyunal na grupong nagbibigay ng ayuda upang mabigyan ng karampatang tulong ang mga […]
Mag-asawang magsasaka, pinaslang sa Butuan
Binaril at napatay ng mga elemento ng Regional Mobile Force Battalion 13 ang mag-asawang sina Rolando, 55, at Josephine Egtob, 56, sa kanilang sakahan sa Sityo San Roque, Barangay San Mateo, Butuan City noong Disyembre 2, alas 3 ng hapon. Ang mag-asawa ay mga aktibistang magsasaka na kasapi ng UMAN o Unyon sa mga Mag-uuma […]
MO 32: Isang taon ng pamamaslang at pagtugis
Bilang paggunita sa unang taon ng pagpapatupad ng Memorandum Order (MO) 32, nagprotesta ang iba’t ibang sektor sa harap ng upisina ng Department of National Defense sa Quezon City noong Nobyembre 22. Mariin nilang kinundena ang patuloy na paglabag ng AFP at PNP sa karapatang-tao. Sa ilalim ng MO 32 at Executive Order 70 ni […]
Resolusyon laban sa pribatisasyon ng patubig
NAGHAIN ANG BAYAN Muna ng resolusyon para kagyat na pagrerepaso ng mga konsesyon sa pribatisasyon na pinasok ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) at ng Manila Water at Maynilad. Ito ay kasunod ng inilabas na desisyon ng Singaporean tribunal noong Nobyembre na pumabor sa Manila Water at pinagbabayad ang reaksyunaryong estado ng P7.83 bilyon kaugnay […]
Tigil-pasada sa Bicol, matagumpay
SA KABILA NG panggigipit ng rehimen, matagumpay na nailunsad ng mga tsuper sa Albay at Camarines Sur ang kanilang tigil-pasada noong Nobyembre 25-26. Ikinasa ang welga bilang paglaban sa iskemang “modernisasyon ng dyip” na papatay sa kabuhayan ng mga opereytor, drayber at mga manggagawa sa industriya ng dyip. Sa unang araw, idineklara ng Condor-PISTON na […]