Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
35 armas, nasamsam ng BHB sa Kalinga at Samar
Tatlumpu’t limang matataas na kalibreng armas ang nasamsam ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa magkakasunod na taktikal na opensiba noong Disyembre 18 hanggang 23, 2018. Kung idaragdag ang 24 na matataas na kalibreng armas na nasamsam ng BHB noong Disyembre 19 sa Surigao del Sur na naunang iniulat ng AB, aabot sa kabuuang 59 na […]
Mapangwasak na kumpanyang mina sa Negros, pinaralisa ng BHB
Matagumpay na napahinto ng BHB-Negros (Mt. Cansermon Command) ang mapaminsalang operasyong open-pit na pagmimina ng Pilipinas Eco-friendly Mining Corporation (PEMC) sa Ayungon, Negros Oriental noong Enero 2, pasado ala-una ng madaling araw. Pinaralisa ng BHB ang mga kagamitan ng PEMC sa open-pit mining sa hangganan ng mga barangay ng Banban at Mabato sa naturang bayan. […]
Ginintuang anibersaryo ng Partido, ipinagdiwang
Libu-libo ang matagumpay na nakapagtipon sa maliliit at malalaking selebrasyon sa mga larangang gerilya sa buong kapuluan, mga sikretong lugar sa kalunsuran at maging sa labas ng bansa noong Disyembre 26, 2018 at mga araw bago at pagkatapos nito upang ipagdiwang ang ika-50 taong anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP). Malaking sampal ito sa […]
Pampulitikang panunupil sa Central Visayas, kinundena
Nagpiket ang mga progresibong organisasyon sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)-Central Visayas sa harapan ng Police Regional Office VII Camp Sergio Osmena sa Cebu noong Enero 2. Kinundena ng mga grupo ang pampulitikang pamamaslang sa anim na progresibo at iligal na pag-aresto sa 16 na aktibista sa isla ng Negros noong unang linggo ng […]
NHA, kinalampag ng maralitang-lunsod
Kinalampag ng 500 maralitang-lunsod sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang upisina ng National Housing Authority (NHA) noong Enero 7. Lumahok ang mga kasapi ng KADAMAY mula sa Pandi, Bulacan na nagtagumpay sa pag-okupa ng tiwangwang na pabahay. Ipinanawagan nila ang kagyat na pagbibigay ng titulo ng mga yunit ng bahay na kanilang […]