Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Labanan ang panlilinlang at mga hakbanging anti-demokratiko ni Duterte
October 07, 2018

  Isang engrandeng saywar laban sa mamamayang Pilipino ang isinasagawa ngayon ng rehimeng US-Duterte. Sa ngalan ng “pagsugpo sa Red October,” pakana diumano ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) para ibagsak si Rodrigo Duterte ngayong Oktubre, pinagbabantaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na supilin ang saligang mga karapatang demokratiko ng mamamayang Pilipino. Tahasang […]

Panghihimasok ng US sa bansa, lumalawak
October 07, 2018

Taliwas sa pinalalabas ni Rodrigo Duterte na hindi niya nais ang tulong ng US, limpak-limpak na salapi at tone-toneladang armas ang tinanggap ng rehimen kamakailan mula rito. Sa pamamagitan ng mga ito, higit na pinalalawak ng rehimeng Duterte ang panghihimasok ng imperyalistang US sa bansa. Inihayag ng US noong Agosto na ang Pilipinas ang nakatatanggap […]

Presyo ng langis, pinakamataas sa nakaraang 10 taon
October 07, 2018

Mula nang maupo si Duterte sa poder, 28 beses nang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo. Sa nakaraang 10 buwan lamang, tumaas na nang P13.50/litro ang diesel at P13.37/litro ang gasolina. Bahagi nito ay epekto ng TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law na nagdagdag ng P2.80 kada litro sa presyo ng diesel […]

5 sibilyan, pinaslang ng rehimen
October 07, 2018

Humahaba ang madugong rekord ng rehimeng Duterte sa walang-tigil na pagpaslang sa mga sibilyang biktima ng kahirapan sa ilalim ng kanyang pamumuno. Nitong nagdaang dalawang linggo, limang sibilyan ang naiulat na pinaslang ng mga armadong tauhan ng estado. Noong Oktubre 6 ng umaga sa Negros Oriental, pinatay sa pamamaril ng armadong mga pwersa ng estado […]

Maikling rebyu ng mga susing dokumento sa UDKP
October 07, 2018

Kung walang rebolusyonaryong teorya, walang rebolusyonaryong kilusan,” wika ni Lenin. Makailang beses na pinatunayang wasto ang mahalagang turong ito ng dakilang Lenin sa mga kilusang pagwawasto sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) tulad ng Una at Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto at iba pang pagwawasto sa nakaraang 50 taon. Partikular sa artikulong ito, pagtutuunan […]