Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Mga protesta
Hustisya, ipinanawagan sa Araw ng mga Patay. Nagtipon ang mga pamilya ng mga biktima ng huwad na gera kontra-droga sa ilalim ng Rise Up for Life and for Rights sa isang kumbento sa Quezon City noong Nobyembre 2 bilang paggunita ng Undas. Sa araw ding iyon, nagtipon ang mga pamilya ng desaparesidos sa Bantayog […]
3 armas, nakumpiska ng BHB sa ahente sa paniktik ng AFP
Tatlong maiiksing armas ang nakumpiska ng Bagong Hukbong Bayan-South Central Negros (Romeo Nanta Command) mula sa ahenteng paniktik ng militar na si Diosdato Apatan sa Binalbagan, Negros Occidental. Mula pa dekada 1980 nagsilbing aset ng militar si Apatan. Sa Albay, binigo ng BHB ang pag-atake ng 49th IB sa kanilang pusisyon sa Barangay Matanglad, Pio […]
Makatarungang kahingian para sa kumpensasyon sa harap ng sakuna
Sa magkasunod na pananalanta ng Bagyong Kristine at Leon, labis ang naiwang pinsala sa mga magsasaka, mangingisda at maralitang lunsod. Tulad sa nakaraan, muling nalantad ang kainutilan ng rehimeng Marcos sa paghahanda sa pagsalanta ng bagyo at mahihinang pampublikong imprastrukturang batbat ng korapsyon. Liban dito, binabalewala at nilalabusaw rin ni Marcos na bunga ito ng […]
Barat na sahod at tanggalan, bumabayo sa sektor ng paggawa
Sinalubong ng mga manggagawa ang muling pagbubukas ng kongreso ng protesta noong Nobyembre 4 para igiit ang pagsasabatas ng dagdag-sahod sa pambansang antas. Anila, hindi nakaaagapay ang barya-baryang ibinigay ng mga regional wage board sa pagsirit ng implasyon at pagbagsak ng pamumuhay ng mga manggagawa. Pinakahuli rito ang kakarampot na ₱40 dagdag-sahod sa mga manggagawa […]
Panibagong serye ng crackdown sa mga organisador ng ST
Anim na mga progresibo at rebolusyonaryong organisador ng Southern Tagalog ang inaresto sa panibagong serye ng crackdown ng mga pwersa ng rehimeng Marcos noong Oktubre 24 at 27. Kabilang sa mga inaresto ang isang konsultant pangkapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Sa Quezon City, dinakip ng pinagsanib na pwersa ng 2nd ID […]