Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Suportahan ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mga katutubong Adivasi sa India! Operation Kagaar, kundenahin at labanan!
July 22, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa pakikibaka ng mamamayang Indian, laluna ng mga katutubong Adivasi laban sa Operation Kagaar na inilulunsad ng pasistang rehimeng Narendra Modi. Ang magkahalintulad na kalagayan ng mga mamamayan at pambansang minorya ng malakolonyal at malapyudal na Pilipinas at India ang dahilan kaya sinusuportahan natin at ng buong […]

Dakilain ang Pamana ng Tatlong Mahal na Kasama
July 22, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Southern Tagalog | Eduardo Labrador | Spokesperson |

Nasa kasiglahan ng yugto ng kanilang edad ang mga mahal na Kasamang Gladys Cassandra “Ka George” Mendoza, Jethro Royce “Ka Alex” Magtira, at Jian Markus “Ka Reb” Tayco. Singbigat ng bundok ng Banoy at Batulao ang kanilang di napapanahong paglisan, malaking kawalan sa yunit ng BHB at ng malawak na inaapi at pinagsasamantalahang masa sa […]

Higit pa sa kabundukang Sierra Madre ang katumbas ng buhay na inialay ni Ka Wally “Km/Balat” Agudes! Magbabayad nang mahal ang PNP at 80th IBPA sa paglabag sa IHL at sa uhaw sa dugong pagpatay kay Ka Km!
July 22, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Rizal | Arman Guerrero | Spokesperson |

Ang National Democratic Front-Rizal at ang buong rebolusyonaryong mamamayan ng lalawigan ay taas-kamaong nagpupugay kay Kasamang Wally “Km” Agudes na nag-alay ng kanyang buhay para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino at ng kanyang mahal na kababayang Rizaleño. Nais din naming ipaabot sa kanyang pamilya at mga kaanak ang taos-pusong pakikidalamhati at pakikiramay. Nagpupuyos ang aming […]

Hiwalay sa kongkretong sitwasyon ng mayorya ng taumbayan ang SONA ni Marcos
July 22, 2024 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Sa kanyang ikatlong state of the nation address (SONA) ngayon, nagsalita si Marcos mula sa isang fantasy bubble, ganap na hiwalay sa mga katotohanan ng pang-aapi at pagsasamantala na kinakaharap ng karamihan ng mamamayang Pilipino. Nagsimula siyang magsalita tungkol sa karaniwang reklamo ng mataas na presyo ng pagkain, nang hindi nag-aalok ng mga konkretong solusyon, […]

Pasidhiin ang Damdaming Maka-uri, Makabayan at Internasyunalista! Tutulan ang Imperyalistang Digma!
July 22, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka) |

Sa SONA 2024 ni Marcos Jr., malamang ay babanggitin nito ang kanyang mga “panandang batong” ganansya na nakuha sa mga istratehiko at taktikal na mga pandaigdigang kasunduan para sa pagdepensa ng soberanya ng Pilipinas. Pero sa punto de bista ng mamamayang Pilipino, katumbas nito ay pagkakanulo o pagtatraydor at walang kapantay na krisis. Dagdag na […]