Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Monopolyo ng Meralco sa serbisyong kuryente, perwisyo sa mga konsyumer nito
June 07, 2024

Ngayong Hunyo, inianunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magtataas ito ng higit ₱0.10 kada kilowatthour (kWh) sa singil ng kuryente bunsod diumano ng kakulangan ng suplay. Pansampu na itong pagtaas sa singil sa nakaraang 12 na buwan. Kahit may ilang buwan na may maliit na pagbaba sa electricity rates, tinatayang aabot na sa ₱11.50 […]

“Fishing ban” ng China sa West PH Sea, hinamon ng mangingisdang Pilipino
June 07, 2024

Nagdaos ng kolektibo o sama-samang pangingisda ang Panatag Fisherfolks Association at Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) sa karagatang malapit sa Masinloc, Zambales noong Mayo 30 hanggang Mayo 31 bilang paghamon sa ipinataw na “fishing ban” o pagbabawal na mangisda ng China. Ipinataw nito ang pagbabawal, mula Mayo hanggang Setyembre 16, sa mga […]

Mga protesta
June 07, 2024

  VFA, ibasura. Nagprotesta ang mga demokratikong organisasyon sa Cebu City noong Mayo 27 para muling ipanawagan ang pagbabasura sa Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at imperyalistang US. Kasabay ito ng ika-25 taong anibersaryo mula nang ratipikahan ng Senado sa ilalim ng rehimeng Estrada ang naturang kasunduan noong Mayo 27, 1999. Pinangunahan ang […]

Pamamahagi ng lupa sa Palawan, malaking kalokohan
June 07, 2024

Ipinagmayabang kamakailan ng Department of Agrarian Reform (DAR) na 2,046 na residente ng Palawan ang nagawaran ng CLOA (Certificate of Land Ownership Award) at mga makinaryang pansaka. Ginawa ang seremonya ng pamamahagi sa PGP Convention Centre, Palawan noong Abril 11. Dinaluhan pa ito ng kalihim ng kagawaran at matataas na upisyal ng prubinsya. Ang totoo, […]

"Freeze order" sa akawnt sa bangko ng mga NGO, kinwestyon sa korte
June 07, 2024

Kinwestyon ng Citizen’s Disaster Response Center Foundation (CDRC) at Leyte Center for Development Enterprise, Inc. (LCDE) ang ipinataw na “freeze order” ng Anti-Money Laundering Council sa kanilang mga akawnt sa bangko. Nagpetisyon ang CDRC sa Court of Appeals sa Quezon City noong Hunyo 2 habang ang LCDE noong Mayo 17 sa parehong korte sa Cebu […]