Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Balik-EDSA para labanan ang chacha
Ginunita sa iba’t ibang panig ng bansa at sa ibayong dagat ang ika-38 anibersaryo ng Pag-aalsang EDSA sa pamamagitan ng mga protesta kontra sa charter change o chacha ng rehimeng Marcos noong Pebrero 25. Nasa 5,000 katao na nagtipun-tipon sa harap ng EDSA Shrine sa Metro Manila sa ilalim ng No to Chacha Network. Ayon […]
Buwan ng Kababaihan, sinalubong ng mga protesta
Magkakasabay na kilos protesta ang isinagawa ng kababaihan sa ilalim ng Gabriela noong Marso 1 sa pagsisimula ng Buwan ng Kababaihan. Panawagan nila: Kabuhayan, Karapatan, Kasarinlan, hindi chacha ng dayuhan at iilan! Sa araw na iyon, nagtungo ang mga myembro ng Gabriela Youth, kasama ang iba pang grupo ng kabataan, sa Mendiola sa Maynila para […]
Laban ng kababaihang manggagawa sa Bataan
Sa loob ng Freeport Area of Bataan (FAB), ang pinakaunang export processing zone sa Pilipinas, nangahas lumaban ang kababaihang manggagawa sa FCF Manufacturing Corporation, isang kumpanyang eksklusibong gumagawa ng mga produkto para sa global brand na Coach at Kate Spade. Bumoto silang ikasa ang welga matapos magmatigas ang kumpanya na hanggang ₱2 lamang ang igagawad […]
Mga protesta
Pagdalo ni Marcos sa ASEAN sa Australia, pinutakti ng protesta. Magkakasunod na protesta ang inilunsad ng mga migranteng Pilipino at progresibong grupo sa Melbourne, Australia mula Marso 4 hanggang Marso 6, kaugnay ng inilunsad na ASEAN-Australia Special Summit at pagdalo dito ni Ferdinand Marcos Jr. Sa pamumuno ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Australia, hinalihaw ng […]
Sa madaling salita