Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Kamatayan sa mina
Ang sakuna ng pagguho ng lupa noong Pebrero 6 sa Maco, Davao de Oro (dating Compostela Valley) ay pinakamalalang sa hindi iilang trahedyang dinanas sa Mindanao, at sa Davao de Oro na isa sa sentro ng pagmimina sa Pilipinas, at hindi una sa kinasangkutan ng kumpanyang Apex Mining Corporation. Matagal nang naninindigan ang mamamayan sa […]
Pagsasanay pulitiko-militar, inilunsad ng BHB-Central Negros
Sa gitna ng pinatinding operasyong militar sa larangang gerilya, determinadong inilunsad ng mga Pulang kumander at mandirigma ang isang pagsasanay sa Batayang Kurso sa Pulitiko-Militar noong Enero 20-27. Layunin ng aktibidad na armasan ang mga mandirigma ng batayang mga prinsipyong pulitiko-militar para matapang na harapin ang kontra-rebolusyong kampanyang panunupil ng rehimeng Marcos. Bahagi din ang […]
Ika-85 kaarawan ni Ka Joma, ipinagdiwang
Ipinagdiwang ng rebolusyonaryong kilusan, mga alyado, at lokal at internasyunal na mga kaibigan ang ika-85 kaarawan ni Kasamang Jose Maria Sison noong Pebrero 8. Inilunsad nila ang iba’t ibang aktibidad para dakilain si Ka Joma at pahalagahan ang makabuluhan niyang mga ambag sa rebolusyong Pilipino. Sa Rizal, nagsagawa ng serye ng oplan-dikit at oplan-pinta sa […]
Mga protesta
Rali kontra-pribatisasyon ng PUP. Nagprotesta sa House of Representatives sa Quezon City ang mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) noong Pebrero 12 kasabay ng pagdinig sa National Polytechnic University (NPU) Bill na magbibigay-daan sa ibayong pribatisasyon at komersyalisasyon ng edukasyon sa unibersidad. Naglalaman ng mga prubisyon ang naturang panukala na magpapahintulot […]
Alyansang anti-chacha, magpuprotesta sa ika-38 anibersaryo ng Pag-aalsang EDSA
Nagtipon noong Pebrero 15 ang mahigit 100 mga organisasyon at indibidwal sa ilalim ng No to Chacha Network para tutulan ang pakana ng rehimeng Marcos na baguhin ang Konstitusyong 1987 (charter change o chacha), sa pamamagitan ng anumang porma. Inihayag din nila ang paggunita sa ika-38 taon ng Pag-aalsang EDSA, na anila’y batayan kung bakit […]