Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Kababaihan, tumitindig laban sa imperyalismong US at krisis sa ekonomya
March 21, 2026

Militanteng ginunita ng libu-libong kababaihan sa bansa at sa ibayong dagat ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis noong Marso 8. Bitbit ang panawagang pagbasura sa 12% value added tax (VAT), pagpapanagot sa lahat ng sangkot sa korapsyon at pagpapatigil sa imperyalistang gera sa Middle East, naglunsad ng programa ang Gabriela at iba pang mga progresibong […]

Pinakamalaking Balikatan, nakatakdang idaos sa gitna ng gera at krisis
March 21, 2026

Sa darating na Abril hanggang Mayo, gaganapin ang inaasahang pinakamalaking pagtitipon ng dayuhang mga tropa sa Pilipinas sa ilalim ng taunang Balikatan Exercises ng US. Liban sa mga tropang Amerikano, direktang lalahok dito ang 1,000 tropang pandepensa ng Japan, pati ang mga tropa mula sa Australia, Canada, New Zealand at France. Nasa 18 bansa ang […]

Pagtatayo ng mga rebolusyonaryong samahan sa Barangay Berta
March 21, 2026

Maulan at gabi na ngunit pursigidong tumungo ang grupo ng kababaihang katutubo sa pinaghimpilan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa Barangay Berta sa isang larangan sa Southern Tagalog. Mainit nilang pinaunlakan ang imbitasyon para sa pagbubuo ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka), ang rebolusyonaryong organisasyon ng kababaihan para sa armadong pakikibaka. Itinaon […]

Mga pambansang minorya, tumitindig para sa lupang ninuno
March 21, 2026

Ipinaglalaban ng mga pambansang minorya ang kanilang karapatan sa lupang ninuno laban sa pangangamkam at pagpasok ng mga proyektong dam, renewable energy, plantasyon at real estate. Sa nagdaang mga linggo, naglunsad sila ng mga pagkilos para ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Sa Quezon City, nagprotesta sa harap ng Department of Environment and Natural Resources Central […]

Konsultant ng NDFP para sa Cordillera, 9 iba pa, inaresto
March 21, 2026

Inaresto sa magkasabay na mga operasyon ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa Tarlac City at Quezon City noong Marso 11 ang 10 indibidwal kabilang si Gabriel Kennedy Bangibang, konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para sa Cordillera at usapin sa pambansang minorya. Pinaratangan silang mga myembro at […]