Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Para sa masang Masbatenyong apektado ng panganganyon at iba pang biktima ng terorismo ng AFP-PNP-CAFGU sa Masbate
Walang makapagsasalarawan sa takot na malamang ay nararamdaman ninyo ngayon. Nasasaksihan niyo ang unti-unting pagwasak sa mga bundok ng Bagulayag at Uac. Malamang ay naghahalo sa inyo ngayon ang pangamba at galit sa bawat dagundong ng bomba na ikinakanyon ngayon ng militar sa naturang mga bundok. Malamang marami sa inyo ngayon ang tumatangis matapos mawalan […]
Panagutin ang 2nd IBPA, Filminera at ang rehimeng Marcos Jr sa pagbomba at pagwasak sa buhay at kabuhayan ng masang Masbatenyo
Tuluyan nang pinakawalan ng 2nd Infantry Battalion at 96th Infantry Battalion-Phil. Army sa atas ng Filminera-Masbate Gold Project ang 46 na bomba gamit ang bagong Howitzer 105 mula sa kanilang kampo sa Barangay Panicijan, Uson upang wasakin ang bundok Bagulayag. Una nang binomba ng militar ang bundok Bagulayag na nagsimula nitong Setyembre 23-24. Araw at […]
Hustisya para sa mga biktima ng terorismo ng estado! NTF-ELCAC, buwagin!
Nakikiisa ang NDFP-ST sa panawagan ng malawak na mamamayang Pilipino na buwagin na ang teroristang NTF-ELCAC at ilipat ang pondo ng ahensya pati ang mga confidential and intelligence funds sa higit na kapaki-pakinabang na mga programa at serbisyong panlipunan sa bayan. Marapat na patuloy na magbuklod ang mamamayang Pilipino para igiit at ipaglaban ito sa […]
Tutulan, huwag pahintulutan ang dagdag na base militar ng US! Imperyalismong US at China, layas!
Napakatigas ng mukha ng imperyalismong US na maghangad ng dagdag pang mga base militar sa bansa sa harap ng paglabag nito sa soberanya at karapatan ng mamamayang Pilipino. Kasabay nito, kasuklam-suklam ang malugod at kakawag-kawag ang buntot na pag-aakomoda ng mga tutang sina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte sa kahilingan ng US. Wala pa […]
Titiyakin ng rebolusyonaryong kilusan na makakamit ang hustisya para sa mag-asawang Villegas at iba pang mga biktima ng kampanyang teror ng rehimeng US-Marcos II sa Masbate!
Titiyakin ng rebolusyonaryong kilusan na makakamit ang hustisya para sa mag-asawang sina Jover “Dodo” Villegas, 40-anyos at Aimee Villegas, may apat na anak sa Sityo Basak, Barangay Luna sa bayan ng Placer nitong Setyembre 21, 2023 alas-5 ng umaga. Matapang na isinawalat ng mga kapamilya ng biktima ang tunay na pangyayari. Papunta sa kanyang kalabaw […]