Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Malabong magkaroon ng usapang pangkapayapaan
July 07, 2022

Nakakiling ang rehimeng Marcos II sa pagpapatuloy ng patakaran ni Rodrigo Duterte ng pagpigil sa usapang pangkapayapaan, paggamit sa Anti-Terror Law para pabweluhin ang terorismo sa estado at red-tagging, maramihang pang-aaresto, tortyur at maramihang pagpatay sa hungkag na pagtatangkang wasakin ang demokratikong rebolusyong bayan. Ito ang pahayag ni Jose Maria Sison, Chief Political Consultant ng […]

4 na opensiba, inilunsad ng BHB-Sultan Kudarat
July 07, 2022

Apat na armadong opensiba ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sultan Kudarat mula Hunyo 15 hanggang Hunyo 29 laban sa nag-ooperasyong mga yunit ng pulis at sundalo. Pinasabugan at pinaputukan ng BHB ang kontra-insurhensyang yunit ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) na nag-ooperasyon sa Sityo Meleb, Barangay Butril, Palimbang noong Hunyo 29. Limang […]

Panghihimasok at pandarambong ng mga Amerikanong kumpanya sa FSMR
July 07, 2022

Pinatitindi ng imperyalistang US ang pang-aatake nito sa mamamayan ng Far South Mindanao Region (FSMR). Kasabay ng walang awat na pang-aagaw ng lupa at pandarambong ng mga dambuhalang kumpanyang Amerikano sa agribisnes, nakaamba naman ngayong pumasok ang malalaking kumpanyang Amerikano sa mina para dambungin ang likas na yamang kabundukan ng rehiyon. Yamang mineral sa FSMR […]

Apat na may sakit na Pulang mandirigma, minasaker
July 07, 2022

Walang-awang pinaslang ng mga sundalo ng 94th IB at lokal na pulis ang apat na may sakit na Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa Sityo Calunakon, Barangay Santol, Binalbagan, Negros Occidental madaling araw ng Hulyo 6. Nagpapagaling ang mga mandirigma nang arestuhin sa kanilang tinutuluyang bahay. Imbes na ituring na mga bihag ng digma […]

Pagsikil sa karapatan sa aborsyon sa US, sinalubong ng mga protesta
July 07, 2022

Sumiklab ang mga protesta sa mayor na mga syudad sa US mula Hunyo 20 matapos baligtarin ng Korte Suprema rito ang batas na nagtitiyak sa karapatan ng kababaihan na magkaroon ng opsyon sa aborsyon. Liban sa malalaking rali sa labas ng Korte Suprema sa Washington DC, nagkaroon ng pagkilos sa mayor na mga syudad sa […]