Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Magpunyagi sa armadong pakikibaka at ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte! Ipagdiwang ang ika-53 Anibersaryo ng NPA!
Taas-kamaong nagpupugay ang Narciso Antazo Aramil Command-NPA-Rizal sa ika-53 taong anibersaryo ng New People’s Army. Binabati nito ang lahat ng Pulang kumander at mandirigma ng NPA at ang buong rebolusyonaryong kilusan para sa buhay-at-kamatayang pakikibaka ng mga ito para isulong ang demokratikong rebolusyong bayan. Mula sa pagkakatatag nito noong Marso 29, 1969, sa panahon ng […]
Labanan at Biguin ang kontra-rebolusyonaryong gera ng rehimeng US-Duterte! Tangkilikin at Pakamahalin ang New People's Army!
Kaisa ng Cesar Batralo Command-NPA-Laguna ang buong sambayanan sa pagdiriwang ng ika-53 anibersaryo ng New People’s Army. Sama-sama nating ginugunita ang pagkakatatag ng New People’s Army. Ang araw ng Marso 29, 1969 ay simula ng pag-asa sa mamamayang pinagsasamantalahan at ligalig naman para sa mga naghaharing uri. Ito rin ay araw ng paggunita sa mga […]
Ipagdiwang ang ika-53 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!
Ngayong araw na ito ipinagdiriwang natin ang ika-53 taong anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan. Rebolusyonaryo at taas-kamaong pagpupugay ang ipinaaabot sa mga Pulang mandirigma at kumander ng AMC-NPA-NQ sa walang-humpay at ubos-kaya nitong paggampan at pagsasabalikat ng mabibigat na tungkulin alang-alang sa aping mamamayan na kanyang pinaglilingkuran. Sa mahigit limang dekadang pagsulong ng DRB mas […]
Ipagbunyi ang pagpupunyagi ng NPA kasama ng nakikibakang mamamayan sa gitna ng napakatinding krisis at walang-tigil na pasismo ng rehimeng US-Duterte laban sa mga Palaweño at sa buong sambayanang Pilipino!
Pinakamataas na pagpupugay ang ipinaaabot ng National Democratic Front – Palawan (NDF-Palawan) sa New People’s Army (NPA) sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag. Ibinibigay rin natin ang pulang saludo para sa mga kumander at mga mandirigma ng NPA na matapang at matatag na nagpunyagi at nakibaka sa harap ng malupit na kontra-rebolusyunaryong […]
Ipagdiwang ang ika-53 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! Manggagawa at maralita, aktibong labanan at biguin ang pasismo ng estado, isulong ang matagalang digmang bayan!
Kasama ng buong hanay ng Rebolusyonaryong kilusang Manggagawa sa pamamatnubay ng pinakamamahal na Partido Komunista ng Pilipinas – MLM, ang Revolutionary Council of Trade Unions – National Democratic Front – Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) ay mahigpit at taas kamaong nagpupugay sa maningning na ika-53 anibersaryo ng ating pinakamamahal na Bagong Hukbong Bayan (BHB)— ang tunay na […]