Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Serbisyong hukbo, kalingang masa
March 21, 2022

Mayaman sa karanasan ng pagbibigay ng serbisyong medikal ang mga mandirigmang medik ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Dahil nahaharap sa lahat ng klaseng sitwasyon, nagagamay ng mga medik ng Hukbo, na karamihan ay mula sa masang magsasaka, ang pag-agapay sa iba-ibang tipo ng pang-emerhensyang medikal. Isang halimbawa ang kaso ni Ison, 9-taong gulang na batang […]

AUDIO | Hindi matitinag ang magkasanib na lakas ng masa at hukbong bayan
March 21, 2022
Nakahihilong sirit-presyo ng langis, bilihin at singil sa serbisyo
March 21, 2022

Mistulang kwitis ang pinakahuling pagsibad ng presyo ng mga produktong petrolyo noong Marso 15. Umaabot sa ₱13.15 ang idinagdag sa kada litro ng diesel, ₱7.10 sa gasolina at ₱10.50 sa gaas. Ito ang ika-12 at pinakamalaking patong sa presyo simula 2022. Dahil dito, umabot na sa halos ₱31 ang kabuuang taas-presyo ng mga produktong petrolyo […]

Ripleng R4, nasamsam ng BHB-Surigao del Sur
March 21, 2022

Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Surigao del Sur ang mga sundalo ng 75th IB na lulan ng habal-habal habang bumibyahe sa Purok 2, Barangay Bolhoon, San Miguel noong Marso 14. Nasamsam mula sa kanila ang isang ripleng R4 habang napaslang ang isang sundalo. Pauwi ang mga sundalo mula sa operasyong kombat sa kalapit na mga […]

Pambansang sahod na ₱750, iginiit
March 21, 2022

Muling iginiit ng mga manggagawa ang pag-iinstitusyunalisa sa pambansang minimum na sahod na ₱750 kada araw sa harap ng nagtaasang presyo ng batayang bilihin at singil sa serbisyo. Ayon sa Ibon Foundation, lalupang lumayo sa kasalukuyang minimum ang nakabubuhay na sahod. Sa kwenta ng grupo, kailangan ng isang pamilyang may limang myembro nang ₱1,072 kada […]