Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Mamamayang Mindoreño, tumindig at lumaban! Biguin ang malupit na kampanyang panunupil sa isla!
March 13, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Nananawagan ang Melito Glor Command – NPA ST sa mamamayang Mindoreño na magbigkis at paigtingin ang paglaban upang biguin ang pinabangis na kampanyang panunupil sa Mindoro ngayong 2022. Marapat salubungin ng nagliliyab na pakikibaka ang ipinagyayabang na “pinalakas” na AFP-PNP at mga modernong sandata na kasalukuyang naninibasib sa isla. Ngayon patutunayan nating tumpak ang tinuran […]

Makibaka para sa kagyat na kahingian ng bayan sa harap ng pagsirit ng presyo ng langis
March 13, 2022 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Walang kahabag-habag ang mga sugapa-sa-tubong kumpanya sa langis at adik-sa-buwis na gubyernong Duterte sa planong ₱12 kada litrong pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na linggo. Kriminal, kung tutuusin, ang planong ito at tiyak na daragdag sa pagdurusa ng masang Pilipinong dati nang naghihirap sa sumisirit na presyo at butas nilang bulsa. Dapat […]

Ibasura ang senaryong "kaguluhan sa eleksyon" ni Duterte pang-batas militar
March 13, 2022 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Nakipag-duet na ang tiranong si Duterte kay Sen. Panfilo Lacson sa paglikha ng panakot na “kaguluhan sa eleksyon” at paghahabi ng mga kwento ng umanoy “intelligence report,” “pakanang komunista” at “alyansa sa oposisyon.” Nagpapanting ang tenga ng mamamayang Pilipino sa kanilang pagkokoro. Lumang tugtugin na ni Marcos ang kinakanta ni Duterte. Umaalingawngaw sa kanyang mga […]

Bibiguin ng BVC-NPA Palawan at mamamayang Palaweño ang atas ni AFP Chief Centino sa WESCOM
March 10, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Andrei Bon Guerrero | Spokesperson |

Hindi magtatagumpay at tinitiyak ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan na mabibigo ang atas ni AFP Chief Andres Centino sa Western Command na durugin ang kilusang rebolusyonaryo sa isla bago magtapos ang termino ni Duterte. Buong pagmamalaking iniutos ito ng pasistang pinuno sa pananalita sa ika-46 taong anibersaryo ng WESCOM noong Marso 4 kung saan tinukoy […]

Mataas na presyo ng mga farm input, dagdag paghirap sa mga gardinero!
March 10, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | Cordillera People's Democratic Front | CPDF-Ifugao | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid -Ifugao |

Sa ilalim ng paghahari ni Duterte, lalong nalubog sa kahirapan ang mga gardinero, magsasaka, at manggagawang-bukid sa Cordillera. Kasalukuyan nilang hinaharap ang mataas na gastos ng produksyon sa pagtatanim at pagsasaka. Napakataas ang presyo ng mga farm input, tulad ng compleye o 14-14-14 na abono na umabot na ng humigit-kumulang P2,400 kada sako mula sa […]