Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
7 armadong aksyon, inilunsad ng BHB
Pitong armadong aksyon, karamihan mga operasyong isnayp, ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa Bicol, Negros, Davao de Oro at Bulacan noong nagdaang mga linggo. Dalawang elemento ng 94th IB ang nasugatan sa operasyong isnayp ng BHB-South Central Negros (Mount Cansermon Command) noong Pebrero 22 sa Sityo Amaga-Cantupa, Barangay Buenavista, Himamaylan City […]
Mga protesta
Protesta ng mga sinalanta ng bagyong Odette sa Bais City. Nagmartsa ang mga residente ng Bais, Negros Oriental na sinalanta ng bagyong Odette tungong lokal na upisina ng Department of Social Work and Development noong Marso 3 para singilin ang ayudang pinansyal na nakalaan sa kanila. Magtatatlong buwan na mula nang nanalasa ang bagyo pero […]
Mga sibilyang komunidad sa Lanao, Mindoro at Masbate, binomba ng AFP
Tatlong kaso ng pambobomba mula sa ere at panganganyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga sibilyang komunidad ang naitala sa nagdaang dalawang linggo. Libu-libong pamilya ang napilitang magbakwit dahil sa mga ito. Naghulog ng di bababa sa 12 bomba ang AFP sa kampo ng Moro Islamic Liberation Front sa Maguing, Lanao del […]
Sigaw sa Edsa: Itakwil ang mga Marcos
Mahigit 4,000 katao ang nagmartsa tungong People Power Monument sa kahabaan ng Edsa, Quezon City noong Pebrero 25 upang gunitain ang ika-36 taon ng pag-aalsang EDSA. Sa pangunguna ng grupong Bayan, sigaw nila ang “Ang pinatalsik ng Edsa, huwag nang ibalik pa!” “Teach-in” o isang malaking klase ang tipo ng protestang inilunsad ngayong taon. Binalik-aralan […]
Ang sanga-sangang dila ng AFP
Litaw na litaw ang modus ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na palabasing engkwentro ang ginawang pagmasaker ng mga yunit nito sa limang sibilyan sa New Bataan, Davao de Oro noong pagitan ng Pebrero 23 ng gabi at umaga ng Pebrero 24. Inanunsyo ng 10th ID sa sumunod na araw, kumpleto ng karimarimarim na […]