Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Makatarungan ang pakikibaka ng residente ng Brgy. Patungan para sa lupa at panirikan at hustisya!
January 22, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang marahas na demolisyon sa Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite noong Enero 13 na nagresulta pagkakasugat sa apat na residente dahil sa tama ng bala, pagkakasugat ng mas marami pa at paghuli sa lima pang mga residente ng Patungan. Walang pakundangan silang pinagbabaril ng pinagsanib na mga armadong goons at pulis sa […]

Anti-kapayapaan at kontra-rebolusyonaryo ang EO 158 ni Duterte at "local peace talks"
January 21, 2022 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Nananawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa mamamayang Pilipino, laluna sa mga nagtataguyod sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan, na iwaksi at kundenahin ang Executive Order (EO) 158 ni Duterte na inilabas noon Disyembre 27, 2021 na umano’y “magpapatatag sa kapayapaan, rekonsilasyon at pagkakaisa” ngunit sa katunayan ay anti-kapayapaan at kontra-rebolusyonaryo. Pekeng kapayapaan ang itinataguyod […]

Ang Bayan | January 21, 2022
January 21, 2022

Ang Bayan (“The People”) is the official publication of the Communist Party of the Philippines, guided by Marxism-Leninism-Maoism. It is published by the Central Committee. AB comes out fortnightly every 7th and 21st of each month. The original Pilipino edition is translated into English, Bisaya, Waray, Hiligaynon and Iloco.

Pagpugayan ang masa at magigiting na pwersa ng armadong rebolusyon sa Mindanao at buong bansa
January 21, 2022

Binibigyang pugay ng Partido Komunista ng Pilipinas ang masang rebolusyonaryo at magigiting na pwersa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at mga kadre ng Partido sa mga rehiyon ng Mindanao at sa buong bansa sa kanilang pagpupunyagi at bakal na determinasyong ipagtanggol ang interes ng masang api at pinagsasamantalahan, sa harap ng walang-patid at brutal na mga atake ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Hustisya para kina Ka Kaye at Ka Bok!
January 21, 2022

Nadakip nang buhay sina Sandra Reyes (Ka Kaye) at Menandro Villanueva (Ka Bok) noong Disyembre 24, 2021 sa nangyaring engkwentro sa Mabini, Davao de Oro sa pagitan ng mga Pulang mandirigma at berdugong 10th ID, ayon sa ulat ng Komisyon sa Mindanao ng Partido Komunista ng Pilipinas. Kinabukasan, iniulat ng 10th ID na nasawi umano […]