4 na sundalo, patay sa enkawnter sa NPA-Nueva Ecija
Oktubre 8, 2023. Bandang alas 4:30 ng hapon ay nakasagutpa ng pwersa ng NPA ang pwersa ng militar sa Brgy San Fernando Sur, sa bayan ng Laur, Nueva Ecija. Apat na sundalo Ang patay at maraming iba pa ang sugatan. Gayunman, isa lamang ang inakawnt na patay ng 7th Infantry Kaugnay Division ng AFP na kabilang sa tropa ng 84th IB at itinanggi ang iba pang kaswalti. Samantala, walang kaswalti sa panig ng NPA.
Ang pwersang nakasagupa ng NPA ay ilang araw nang nanggagalugad sa kabundukan, hanggang sa mga tumana ng mga magsasaka. Salungat sa pahayag ni Major General Andrew D. Costelo, Commander ng 7th ID na diumano ay itinip ng sibilyan ang presensya ng NPA, sa katunayan ay ang mga magsasaka sa erya ang nagsusuplong sa NPA sa ginagawang terorismo sa sibilyan ng mga nag-ooperasyong militar – hinahalukay ang mga kubo sa bukid, nirerekisa ang mga gamit ng magsasaka, binabawal silang magbaon ng bigas sa tumana at matulog doon. llang minuto bago ang laban ay minartsa ng mga militar ang kalsada na nagdulot ng takot at pangamba sa mga sibilyan at turistang dumadayo sa Seminublan Falls sa naturang baranggay.
Muli, ipinakita ng ang mahigpit na disiplina sa kondukta ng gera. Presiso at asintado an pagpapaputok at may mataas na pagpapahalaga sa kaligtasan ng mga sibilyan. Dahil ang lokasyon ng labanan ay malapit sa baryo at nasa perimetro ng mga tumana ng magsasaka, sinikap ng NPA na agad makabaklas sa lugar para maiwasang may madamay na sibilyan. Kabaliktaran naman sa ginawa ng AFP na walang patumanggang nagpaputok sa alinmang direksyon sa loob ng halos isang oras. Muli, sampal na naman ito sa pahayag ng AFP na wala nang NPA sa Nueva Ecija.
Josepino Corpuz Command