Bibiguin ng pumuluyong Masbatenyo ang kampanya ng pangwawasak sa kabuhayahan ng militar at lokal na naghaharing-uri sa probinsya

Senyales ng desperasyon ang lumalalang kampanya ng batalyon ng Philippine Army laban sa mga sibilyan dahil sa kabiguang masukol ang rebolusyonaryong kilusan sa probinsya. Pina uulit-ulit na lamang ng militar at pulis ang marumi nilang taktika ng paninindak at pasipikasyong masa. Nakatuon ang militar ngayon sa kampanya ng panggigipit at pagwawasak sa kabuhayan ng masa.

Panibagong krimen ng 2nd ibpa ang iligal na paghahalughog at pagnanakaw sa residensya ng isang nagngangalang Jessa Aplaon Padayhag sa Brgy. Antipolo bayan ng Palanas nito lamang ika- 29 ng Hulyo sa tabing ng pagkalap ng impormasyon. Nakilala ang isang Pfc. Eduardo “Dicdic” Otchia at ang magkapatid na Aballe na parehong mga rebel returnees. Tinangay ng grupo ni Pfc.Otchia ang perang nagkakahalaga ng P40,000.00 na pang eskwela ng mga anak at pag-aaring cellphone.

Bahagi ang naturang mga paglabag sa karapatan sa panibagong bugso ng operasyong militar sa ilalim ng Retooled Community Support Program o RCSP. Istilo ng panibagong bugso ng RCSP ang malawakang pagkalap ng intel sa pamamagitan ng pampepresyur, iligal na pagdetine, panghahalughog sa mga bahay ng sibilyan laluna yaong pinaghihinalaang may kaugnayan sa rebolusyorayong kilusan.

Kasabay nito’y ang patuloy na kampanya ng sapilitang pagpapasurender sa kanilang mga target na sibilyan upang gawing aktibong impormante o giya sa mga operasyong militar. Ginagamit nila ang mga mapanlinlang na paraan tulad ng pang-aalok ng pera para rito. Ang maruming taktikang ito ang siya ngayong ginagamit ng military upang agawin ang malalawak na lupaing agrikultural sa probinsya tulad ng nagaganap sa lupaing Pecson sa istilong pasurender at pwersahang ipinabebenta sa mga magsasaka ang kanilang lupang sakahan.Lahat ng ito’y sumasang-ayon sa plano ni Bongbong Marcos at ilang naghaharing-uri sa Masbate na mapasakamay muli ang mga rantsong inagaw ng kanyang pamilya noong batas militar.

Sa gitna ng tumitinding krisis hindi dapat pahintulutan ng pumuluyong masbatenyo ang pang- aagaw sa kanilang lupa, kabuhayan at karapatan. Dapat nilang hadlangan at ilantad ang anumang mapanlinlang na tangka ng lokal na naghaharing uri at militar na buwagin ang kanilang pagkakaisa’t paglaban. Sa tumitinding kahirapan at gutom batid ng masang magsasaka na hindi matutumbasan ng anumang halaga ang kanilang lupang binubungkal at pakikibaka para ipagtanggol ito.

Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mga masang masbatenyo na sariwain ang mga napag-tagumpayan ng kanilang matapang na pagkakaisa. Kailangan nilang panghawakan ang tagumpay na ito sa harap ng tangka ng lokal na naghaharing uri at militar sa probinsya na lalo silang isadlak sa takot at paghihirap.

Hindi kailanman mabibigo ang pagkakaisa sa lumalabang masang magsasaka. Asahan ng pumuluyong masbatenyo ang mahigpit na kapasyahan ng rebolusyonaryong kilusan na samahan at gabayan sila sa papaigting na laban para sa kanilang lupa, karapatan, kabuhayan at buhay sa ilalim ng rehimeng Marcos II-Duterte. #####

Bibiguin ng pumuluyong Masbatenyo ang kampanya ng pangwawasak sa kabuhayahan ng militar at lokal na naghaharing-uri sa probinsya