Pahayag

House Resolution 1803 na Nagtutulak kay President Duterte na Ipatuloy ang Peace Negotiation sa NDFP, Muling Sinabotahe ng AFP

Lubos inaanyayahan ng NDFP Negotiating panel sa pamamagitan ni Chairman Fidel Agcaoili ang House Resolution 1803, sa kaniyang opisyal na pahayag noong September 13, 2018. Ayon sa NDFP “isa itong positibong hakbang sa pagpapanawagan sa iba’t-ibang sektor at grupo para mabigyan daan ang peace negotiation sa pagitan ng NDFP at GRP sa pamamagitan ng ipinasang resolution ng House Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity noong nagdaang September 12, 2018. Dagdag pa ni Agcaoili, ito’y isa ring mapag-anyayang hakbang ng House Special Committee sa paghikayat kay Pres. Duterte sa mulig pagbalik sa negotiating table and work towards a just and lasting peace.”

Ang LPC-NPA mahigpit din na nagaanyaya sa ganitong Congress Resolution 1803 para sa agarang maugat ang kadahilanan ng nagpapatuloy na gyera sibil at mapairal ang tunay, makatarungan at matagalang kapayapaan sa bansa.

Maka dahil sa kabila ng positibong pananaw ng rebolusyonaryong kilusan ng CPP/NPA/NDF patuloy din ang pananabotahe ng mga “peace spoilers” na AFP sa isla at iban pa’ng utak pulbura sa reaksyunaryong estado ng rehimeng US-Duterte.

Una, kasabay sa pagpasa nitong house resolution 1803 noong September 12, 2018, agad din ang malalaki at garbusong operasyon militar ang inilunsad ng 303rd Bde PA sa mga bukirin ng Guihulngan partikular na sa mga baryo ng Trinidad, Tacpao, Binubuhan, Sandayao at Imelda na nagsimula din noong September 12, 2018 hanggang ngayongo September 17, 2018. Patuloy ang AFP na lumalabag sa CARHRIHL at talamak na human rights violations.

Nagpapalipad ng mga unmanned drones sa pagmonitor ng kilos ng mga residente at paghahanap ng NPA. Paghihimpil, panghihimasok, pajghahalughog ng mga kagamitan sa kabahayan ng mga magsasaka at pagnanakaw ng mga kagamitan at pera ng mga residente sa nasabing lugar.

Katulad ng pananakot, pamimilit na maging giya sa operasyon militar para ituro ang mga masa ng NPA at pambubgbog kay Isoy Villahermosa, 40 anyos ng sityo Uway-uway, Brgy. Quinten Remo. Gayundin, pag-akyat at paghalukay ng tahanan at pagkuha ng ultimong P600.00 ng maralitang magsasaka na si Eki Gempayan, mahigit 30 anyos ang edad ng sityo Santos-santos, Quinten Remo, Moises Padilla, Negros Occidental. Kung maaalala, September 13, 2018, mga alas 8:00 ng gabi kapareho rin ito ang pagharurot ng mga pinapaniwalaang mga “military fighter planes” na nag-iikot sa mga bukirin ng Magallon, Guihulngan, Canlaon, Vallehermoso. Toboso, Escalante at iba pa’ng mga lugar sa isla ng Negros.

Maaga pang ini-ulat na ng NPA na may ilulunsad na US-Pinas Joint Military Exercise sa isla ng Negros. Parang wiper din ang leeg ni Col. Alberto Desoyo at Civil Military Officer Capt. Roel Llanes ng 303rd Bde PA sa pagsisinungaling.

Nakakahiya at nakakatawa ang pagkukubli nito sa mga Negrosanon. Dahil hindi maitago ang pag-iikot ng mga eroplano, andoon na ang pagkumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines na totoong may US-Pinas Joint Military Exercise sa isla ng Negros na nagsimula noog September 5 hanggang September 26, 2018. Habang sina Col. Desoyo at Capt. Llanes patuloy na naninidigan nang kanilang mga kasinungalingan at panlilinlang kahit natumbog na ng buong Negrosanon.

Mulat din na pananabotahe ng AFP sa Peacetalk ang pagpapalabas ng “obsolete and one-sided news” sa Facebook ng “Gulf Today” titled: Red Rebels Kill Nine in Visayas Ambush written by Manolo Jara gamit ang mga datus at picture ng “Puso Incident”. Ang ganitong balita hindi na bago kundi noong Enero 2013 pa.

Ang mga kasinungalingan at pananabotahe sa Peacetalk ng “Spoilers” na mga kasapi ng AFP laluna ng 303rd Bde PA sa pangunguna ni Col. Desoyo at Capt. Llanes mahigpit na kinokondena ng NPA.

Inaatasan ang lahat na yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Leonardo Panaligan Command na maglunsad ng malawakan at matagumpay na mga taktikal na opensiba laban sa pasista at nanabotaheng AFP, PNP at iba pang kontra-rebolusyon.

Depensahan din ang buhay at kabuhayan ng mamamayan lalo na ng uring magsasaka at uring anakpawis laban sa mga pangangatake ng dayuhang mga kapitalista at tuta nitong mga tropa militar.

House Resolution 1803 na Nagtutulak kay President Duterte na Ipatuloy ang Peace Negotiation sa NDFP, Muling Sinabotahe ng AFP