Pahayag

Magiting na pagharap ng BHB-Masbate sa traydor na pag-atake ng militar

Magiting na hinarap ng isang yunit ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate ang traydor na pag-atake ng mga elemento ng 96th Infantry Battalion Phil. Army sa Sityo Macabuhay, Barangay Dorongan, bayan ng San Jacinto noong Disyembre 1. Gamit ang command-detonated explosive, pinasabugan ng mga mandirigma ng BHB ang sumasalakay na mga militar.

Lima ang napatay at tatlo ang sugatan sa hanay ng militar sa naturang labanan. Ligtas namang nakamaniobra ang mga kasama.

Nananawagan ang Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate sa mga ordinaryong kawal ng militar at pulis na tumiwalag na sa pinagsisilbihang institusyon dahil ginagamit lang kayong pain ng inyong mga upisyal sa imposibleng ambisyon na durugin ang armadong paglaban. Pinili niyong magsilbi sa reaksyunaryong estado bilang mga mamamatay-tao at taksil ng kapwa niyo anakpawis kapalit ng mataas na sahod. Wala kayong intensyong pagsilbihan ang sambayanan at hindi handang mamatay para rito.

Samantala nasa puso ng bawat mandirigma ng BHB ang pangangailangang magsakripisyo at makidigma para maisulong ang mga demokratikong hangarin ng mamamayan. Batid nila ang reyalidad ng digma at handang mag-alay ng buhay para sa pangkalahatang pagtatagumpay ng digmang bayan.

Nananawagan rin ang Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate sa mga yunit sa ilalim ng kumand nito na panatilihing mataas ang kamulatang militar at diwang gerilya. Dapat manatiling mapagbantay sa mga patraydor na kilos ng kaaway laluna ngayong pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas kasabay ng binubuong klima para sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan.#

Magiting na pagharap ng BHB-Masbate sa traydor na pag-atake ng militar