Pahayag

Paniningil ng mamamayang Masbatenyo at mamamayan ng Ticao sa mga abusadong 2nd PBPA na nag PDT/CSP sa isla ng Ticao, tinugunan ng JRC-BHB Masbate

Naglunsad ng matagumpay na taktikal na opensiba ang Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan-Masbate bilang tugon sa panunupil ng tiraniko at pasistang rehimeng US-Duterte sa probinysa.

Noong Oktubre 12, 2019, alas 5:47 ng hapon ay sabay na hinaras ng dalawang tim ng mga pulang mandirigma ang dalawang pwesto ng mga sundalo ng 2nd IBPA sa So. Poro, Barangay Talisay, San Fernando, Masbate. Sa labinlimang minutong putukan ay nagtamo ng dalawang patay at anim na sugatan ang mga sundalo. Agaran itong kinuha ng naval craft at dinala sa Bicol mainland para mapagtakpan ang kanilang mga kaswalti.

Bago pa ito, matagal nang nananalanta ang mga sundalo ng 2nd IBPA sa residente ng mga baryo ng Talisay, Buenavista, Altavista, Del Rosario, Progreso, Suwa, anelas at Lahong sa bayan ng San Fernando, Masbate sa tabing ng Peace and Development Team(PDT) na ngayon ay Community Support Program(CSP).

Ang PDT o CSP ng 2nd IBPA sa mga baryong pinaglulunsaran nito ay nagdudulot ng pagkawasak ng matahimik na hanapbuhay ng mga residente. Ilang kaso ng paglababag sa karapatan tao ang naitala partikular sa tatlong magkasunod na ekstra-hudisyal na pamamaslang(EJK) sa Brgy. Liong at Buenavista na kung saan tatlong sibilyan ang brutal na pinatay ng mga berdugong militar at pulis.

Bilang tugon sa sigaw na hustisya at katarungan ay nag organisa ang yunit komand ng Jose Rapsing Command (JRC-BHB) sa isla ng Ticao ng dalawang tim ng mga pulang mandirigma para parusahan ang mga sundalo ng 2nd IBPA na nakabase sa So. Poro, Talisay, San Fernando.

Mahaba na ang listahan ng mga sundalo sa paglabag sa karapatan tao sa isla ng Ticao sa pagpapatupad ng mapangwasak na PDT/CSP magmula noong 2014 sa ilalim ng 9th IBPA na pinalitan naman noong 2016 ng 2nd IBPA sa ilalim ng Oplan kapanatagan ng tiraniko at pasistang rehimeng US-Duterte at sa dalawa pang kontra insurhensyang programa na Oplan Bayanihan at Oplan Kapayapaan ng dalawang nagdaang rehimen.

Ang mga Oplan na ito ng reaksyonaryong gobyerno ang nagwawasak sa matahimik na pamumuhay ng mga residente. Bago pa man dumating ang mga kasundaluhan at kapulisan sa isla ng Ticao ay may maayos at tahimik na pamumuhay ang mga tao sa isla kung ikukumpara sa pagdating 2nd IBPA at 5th RMFB ng PNP.

Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mamamayang Masbatenyo at mamamayan ng Ticao na huwag magpa sindak sa mga paninindak ng pasisitang AFP at PNP na mga kampon ni Duterte. Patuloy niyong suportahan ang armadong pakikibaka para makamit ang hustisya’t katarungan ng mga biktma ng EJK, masaker at mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

Isulong ang Digmang bayan para makamit ang hustista at katarungan!

Paniningil ng mamamayang Masbatenyo at mamamayan ng Ticao sa mga abusadong 2nd PBPA na nag PDT/CSP sa isla ng Ticao, tinugunan ng JRC-BHB Masbate