Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Ipinagbubunyi ng mamamayang api’t pinagsasamantalahan sa Timog Katagalugan ang mga tagumpay sa pagsusulong ng digmang bayan sa rehiyon mula sa halos wala noong magsimula at buksan ang sonang gerilya ng mga pwersang namulat at nakibaka sa ilalim ng diktadurang US-Marcos I. Nilampasan ang mga likot ikot at pinangibabawan ang mga balakid hanggang mailuwal ang mga […]
Tinuran ni Kasamang Mao Zedong noong 1968 na “hawak ng kababaihan ang kalahati ng kalangitan” upang ibandila at patampukin ang papel nila sa lipunan at rebolusyon. Sa ilalim ng bulok na burges at pyudal-patriyarkal na lipunan, humuhulagpos at mahigpit na katuwang ng proletaryado ang kababaihang anakpawis sa pakikibaka para sa demokrasya’t pagpapalaya ng bayan at […]
Sa panahong nagkalat ang pekeng balita, nirerebisa ang kasaysayan at dumadausdos ang kalidad ng edukasyon, nagiging mas madali para sa imperyalismong US, mga institusyo’t ahensyang tagapagtaguyod ng globalisasyong neoliberal at reaksyunaryong estado na ilako ang ilusyong “newly industrialized (bagong nag-iindustriyalisa)” o “emerging market (papausbong na merkado)” ang Pilipinas. Ipinipinta nito ang larawan ng isang bansang […]
Nananalasa sa buong mundo ang malubhang epekto ng El Niño, isang penomenong pangklima na nagaganap sa pagitan ng 2-7 taon. Sa tuwing may El Niño, tumataas ang temperatura ng tubig sa karagatan at humihina ang hangin kaya bihirang umulan o mamuo ang masamang panahon (low pressure area). Matindi ang init sa silangang bahagi ng Pacific […]
Mainit na sinalubong ng buong rebolusyonaryong kilusan sa TK ang ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) noong Marso 29. Naglunsad ng mga pulong pagdiriwang at aksyong propaganda sa loob ng mga sonang gerilya at mga lungsod upang ibandila ang kadakilaan ng 55 taong armadong pakikibaka ng BHB. Sa Rizal, namigay ng polyeto […]
Red tagging ang tugon ng Community Affairs Development and Public Information Office (CAD-PIO) ng Bacoor Component City Police Station (Bacoor CCPS) sa pagtutol ng mga maralita at progresibong grupo sa nakaambang demolisyon sa Brgy. Talaba 7 at Niog 1, Bacoor City. Naganap ang red-tagging sa PNP Lecture and Community Outreach Program noong Marso 31 sa […]
Nagsama-sama ang mga pamilya ng mga biktima, mga grupo sa karapatang pantao, at iba pang sektor upang gunitain ang ikatlong taong anibersaryo ng Bloody Sunday Massacre. Tumagal nang isang linggo ang komemorasyon upang dakilain ang alaala at buhay ng mga biktima na sina Manny Asuncion, Chai Evangelista, Ariel Evangelista, Mark Lee Bacasno, Melvin Dasigao, Puroy […]
Nagtipon-tipon ang mga kabataan, magsasaka, manggagawa, maralitang taga-lungsod, at taong simbahan noong semana santa upang isagawa ang taunang malikhaing protesta sa pamamagitan ng Kalbaryo ng Mamamayan na nagpapakita ng kahirapan, kagutuman, at kawalang-hustisya sa ilalim ng rehimeng US-Marcos II. Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-Timog Katagalugan, isinagawa ang Kalbaryo noong Marso 25 sa porma ng […]