Articles tagged with Zionist Israel

US at Israel, pinananagot sa teroristang airstrike sa embahada ng Iran sa Syria
April 04, 2024

Mariing kinundena ng iba’t ibang bansa ang teroristang airstrike ng Zionistang Israel sa embahada ng ng Iran sa Syria noong Abril 1. Kabilang sa mga napatay sa airstrike ang dalawang heneral ng hukbo ng Iran, limang tagapayong militar at iba pa. Ang atake ay bahagi ng pagpapalawak ng US at Israel sa armadong sigalot sa […]

7 boluntir ng makataong organisasyon, pinatay ng US-Israel sa Gaza
April 03, 2024

Pitong boluntir ng mapagkawanggawang organisasyong World Central Kitchen (WCK) ang napatay sa airstrike ng mga pwersang Israeli sa sinasakyan nilang kotse noong Abril 1. Kabilang sa mga napatay ang isang British, isang Australian, isang mula sa Poland, isang may hawak na US at Canada dual citizenship, at isang Palestino. Unang isinawalat ng Hamas ang krimen […]

Panibagong pakete ng libu-libong bomba at mga eroplanong pambomba, ipinadala ng US sa Israel para sa kampanyang henosidyo sa Gaza
March 31, 2024

Ibinalita ng isang pahayagan sa US noong Marso 29 na tahimik na nagpadala ang gubyernong Biden ng US ng libu-libong bomba sa Israel. Sa kabila ito ng pakitang-taong “resolusyon” ng US sa United Nations na kunwa’y nananawagan ng tigil-putukan (na sa aktwal ay hindi). Sa gitna rin ito ng matinding kundenasyon ng lahat ng bansa, […]

Nakatakdang porum ng US Air Force sa UP Diliman, ipinaaatras
January 24, 2024

Nangangalap ng pirma para sa isang petisyon ang University of the Philippines Diliman (UPD) College of Science Student Council (CSSC) sa mga estudyante at organisasyon sa kampus nito para pigilan ang nakatakdang porum ng US Air Force Office of Scientific Research (AFOSR) sa UP Diliman sa darating na Pebrero 1. Ayon ito sa ulat ng […]

68 mamamahayag na ang napatay sa Gaza
December 22, 2023

Sa huling ulat na inilabas ng Committee to Protect Journalists (CPJ) noong Disyembre 21, umaabot na sa 68 mamamahayag at manggagawa sa midya ang kabilang sa 19,000 namatay sa gaza at West Bank mula Oktubre 7. Labinlima ang naiulat na sugatan, tatlo ang nawawala at 20 ang sinabing inaresto ng mga pwersa ng Zionistang Israel. […]