![]() Women play a significant role in waging revolution.
The New People's Army is the revolutionary army of the Filipino people under the absolute leadership of the Communist Party of the Philippines.
In carrying out the revolutionary armed struggle, the NPA follows the general line of the new democratic revolution through protracted people's war. It is the principal instrument in implementing the revolutionary program for land reform, the main democratic agenda of the people's revolution. Red fighters of the NPA are principally drawn from among the peasant masses. The correctness and need to carry out revolutionary armed struggle and the justness of the work of the NPA also inspires workers, students-youth, teachers and other professionals to join the revolutionary army. The NPA was established in March 29, 1969 with 60 Red fighters armed with 9 automatic rifles and 26 single-shot rifles and handguns. By carrying out tactical offensives, the NPA is able to accumulate arms and weaken the reactionary mercenary troops. Currently, the NPA has a sum total of at least three divisions or nine brigades or 27 battalions of full-time Red fighters with high-powered rifles. These are augmented by tens of thousands in the people's militias and further on by hundreds of thousands in self-defense units of the mass organizations. Membership is open to all persons aged 18 years old and above, physically and mentally fit, willing and ready to fight for freedom. |
Kasaysayan ng Bagong Hukbong Bayan
PANGKASAYSAYANG UGAT NG PANGKATING TARUC-SUMULONG
Bago siya sumuko kay Macapagal sa pamamagitan ng pinunong medikal ng Sistema sa Segurong Panlipunan (Social Security Sysytem - SSS), inangkin ni Jesus Lava ang titulong tagapangulo ng Partido at hinirang ang ilang kalihim upang buuin ang kalihiman ng Partido. Hiwalay sa iba pang kalihim na pawang nasa Maynila, si Pedro Taruc ay mag-isa ring gumawa ng sariling mga desisyon at paghirang na kinabilangan ng pagkakabasbas kay "Komander" Sumulong bilang pinuno ng militar at pinansya ng pangkating Taruc-Sumulong. Si Sumulong ay hinirang sa mga posisyong ito sa kabila ng katotohanang ang sakdal na paglustay at panggagahasa na iniharap ng Partido noong 1963 laban sa kanya ay hindi pa maayos na nalilitis. Magagawa ang pagbubunyag at pagwawasto sa mga kamalian sa loob ng Partido at ng hukbong bayan sa pagpapalaya sapagkat kaming nakararaming kasapi ng Partido at Pulang mandirigma ay nanantiling tapat sa Partido at sa rebolusyong Pilipino. Ang Partido at ang hukbo ay nakapananatili sa gitna ng pinakamahihirap na kalagayan sapagkat ang karamihan sa masa ng kasapi ng Partido at sa mga Pulang mandirigma ay nananatiling tapat sa kapakanan ng masang anakpawis at patuloy na tumatahak sa linyang pangmasa. Ang pangkating Taruc-Sumulong na umangkin sa liderato ng Partido at hukbo sa Gitnang Luson ay malaon nang kumikilos bilang hadlang sa pagsulong ng rebolusyon at mabigat na pasanin ng masa ng sambayanan. Ang mga krimen nito ay sinasamantala ng kaaway upang siraan ang Partido at hukbong bayan. Ang pangkating ito ay gumagawa ng pinakamasasamang krimen sa loob at labas ng Partido at hukbo. Pinakamahusay kung gayon na ang Partido at ang hukbo ay maglunsad ng kilusang pagwawasto sa ideolohia, pulitika at organisasyon, upang linisin ang Partido at hukbo at gawing higit na malakas na tagapaglingkod ng masa ang mga ito. Ang mga kasamang pasibo o tumatanggi sa panawagan ng pagwawasto ay susubo lamang sa panganib sapagkat kung hindi itatakwil ngayon ang mga masamang gawi ng pangkating Taruc-Sumulong, ang mga iyon ay magagamit ng mga reaksyonaryo upang ihiwalay ang Partido at ang hukbo sa sambayanan. Hindi matutupad ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan ang mga tungkulin ng rebolusyon kung hindi gagawa ng pagpuna at pagpuna sa sarili, kung hindi gagawa ng kilusang pagwawasto at paglilinaw ng kanilang mga rebolusyonaryong tungkulin, kung hindi pupukawin ang sambayanan upang malayang magsabi ng iniisip at ng inaasahan nilang gawin. Totoong hindi maisasama sa dokumentong ito ang lahat ng partikular na krimen ng pangkating Taruc-Sumulong. Tanging ang ganap na pagpapairal ng kilusang pagwawasto sa hanay ng kasapi ng Partido at ng Pulang mandirigma ang sapat na makapaglalahad sa mga ito at makapaghahawan ng landas para sa rebolusyonaryong linyang proletaryo ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung. Gayunman, upang lalo itong maging makahulugan at lubos na kapakipakinabang sa Partido at sa Bagong Hukbong Bayan, ang kilusang pagwawasto ay dapat sumaklaw hindi lamang sa mga kamalian ng pangkating Taruc-Sumulong kundi sa buong kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas. Sa ganitong lawak ng pagpuna, lubusang mauunawaan ng mga kasama kung bakit sumulpot ang pangkating Taruc-Sumulong at kung bakit, halimbawa, marami sa mga pumasok sa Partido at hukbo sa iba't ibang yugto ang naging pasibo, takot at bantulot na tumupad sa mga tungkulin ng rebolusyon o kaya'y lumihis ng landas at lumaban sa Partido at hukbo bilang mga kontrarebolusyonaryo. Upang maunawaan na ang kasalukuyan ay isang bagay na umuunlad tungo sa hinaharap, at dito'y sumusulong ang mga tunay na proletaryong rebolusyonaryo at naitatapon sa basurahan ng kasaysayan ang mga bulok na naglalandas- kapitalista, dapat nating malaman ang nakaraan na nagbunga ng ilang kamalian at kahinaan at nagbunga rin ng kung anong mabuti at matatag sa hanay natin ngayon. Kailangang maunawaan ang buong kasaysayam ng Partido, laluna't ang karamihan sa mga kasapi ng Partido at mga Pulang mandirigma na masiglang kumikilos ngayon para sa tagumpay ng rebolusyong Pilipino ay bagong salinlahi. Napakahalagang gamitin natin ang mga aral ng nakaraan at ang mga positibo at negatibong karanasan ng mga datihang kasamang bumubuo ng minorya sa loob ng Partido at hukbo sa kasalukuyan. Dito'y maikli nating ilalahad ang mga pangunahing yugto sa pag-unlad ng Partido at hukbo nang may tanging pagtutuon sa huli at may tanging diin sa mga dahilan ng pagkabigo. Sa lalong masaklaw na pananaw sa kasaysayan ng Partido, kailangang pagtibayin ng mga kasama ang dokumentong ito na kasama nga mas masaklaw na dokumentong "Iwasto ang mga Kamalian at Muling Itayo ang Partido" na unang inilabas ng Partido. TOP
Noong 1936, ang Partido ay muling pinahintulutang kumilos nang legal alinsunod sa antipasistang Prente Popular at noong 1938, isinagawa ang pagsasanib ng Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosyalista sa impluwensya ng Kanang oportunistang liderato ni Earl Browder sa Partido Komunista ng Estados Unidos. Ang liderato ng Partido ay patuloy na nagkonsentra sa gawaing legal sa lunsod at walang sandatahang paghahandang ginawa sa kanayunan laban sa nakaambang paglusob ng Hapon. Tanging mga kampanya sa boluntaryong boykot ng kalakal na Hapones ang ginawa pangunahin na ng kilusang manggagawa sa pamumuno ng tagapangulo ng PKP na si Crisanto Evangelista. Ang mga kadreng Partido Sosyalista ay patuloy na lumahok sa ahitasyong lantay na legal at repormista. Sa panahong iyon, ang mga kasapi ng Partidong may oryentasyong petiburges na namukod sa pagtataguyod ng mga kalayaang sibil at pangunahing kinatawanan ni Dr. Vicente Lava ay nagsimulang magkaroon ng prinsipal na impluwensiya sa Partido. TOP 2. Ang panahon ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon Ang hukbong bayan sa anyo ng Hukbalahap ay itinatag sa pamumuno ng Partido noong Marso 29, 1942 sa Gitnang Luson. Magbuhat noon, sa pagpapatunay sa sinabi ng Tagapangulong Mao na ang kapangyarihang pampulitika ay nagmumula sa baril, ang Partido at ang sambayanan ay nagkaroon ng malaki-laking kapangyarihan at prestihiyo sa Gitnang Luson na hindi nila kailanman natamo noong una. Sa loob ng isang taong paglulunsad ng pakikidigmang gerilya, ang hukbong bayan mula sa maliit na pwersa ay naging malaki. Mabilis na naragdagan ang lakas nito nang ang mga magsasaka ay nagsipagbuklod dito sa ilalim ng mga paborableng kalagayang tulad ng paglikas ng mga imperyalistang Amerikano at pamahalaang Komonwelt mula sa Pilipinas, ng pagkalansag ng kapangyarihang panginoong maylupa sa kanayunan at ng malinaw na pangangailangan ng sambayanang humawak ng sandata laban sa mga pasistang Hapones. Subalit pagkaraang lusubin ng mga Hapones ang base ng hukbong bayan sa Bundok Arayat sa unang dako ng Marso 1943, ang liderato sa Partido ng Kanang oportunistang si Vicente Lava ay nalunod sa pesimismo at nagpairal ng maling patakarang "umurong upang magtanggol", isang pasibong linyang militar na nangangahulugan ng paglusaw sa mga sandatahang yunit at pagpigil sa mga opensibang taktikal laban sa kaaway. Ang lideratong Lava ay nagkaroon din ng malubhang pagdududa sa kakayahan ng uring manggagawa na mamuno sa kalagayang gulung-gulo ang kilusang manggagawa sa lunsod. Hindi nito nakilala na ang Partido Komunista ng Pilipinas bilang pinakasulong na destakamento ng uring manggagawa ay nasa kanayunan na upang pamunuan ang masang magsasaka. Ang patakarang "umurong upang magtanggol" ay iwinasto noon lamang Setyembre 1944 nang ang mga pwersang militar na Amerikano at ang mga pwersang papet niyon ay nagsisimula nang gumawa ng sarili nilang opensiba. Dahil sa Kanang oportunistang patakarang ito na tumagal nang mahigit sa kalahati ng tatlong-taong pananakop ng Hapones, ang Pulang hukbo ay nawalan ng pagkakataong lumikha ng mas malakas na pwersang panlaban at magpalawak nang mabilis na dapat sana'y ginawa nito maging sa labas ng Gitnang Luson. Sa pambansang saklaw ay hindi nakuha ng Partido at hukbo ang liderato sa sandatahang pakikibakang antipasista. Ang balak na magpadala ng mga kadre sa iba't ibang dako ng kapuluan upang paunlarin ang sandatahang pakikibaka ay iniurong noon pa mang 1942. Kaya ang pag-unlad ng sandatahang pakikibaka sa pamumuno ng Partido ay naging limitado sa Gitnang Luson at sa maliit na bahagi ng Timog Katagalugan. Bukod dito'y hindi nagamit ng liderato ng Partido ang rebolusyonaryong agraryo bilang saligan na lakas nito sa mga lugar na matatag na hawak ng hukbong bayan. Kapuna-punang hindi rin nito inilantad ang imperyalismong Amerikano bilang kaaway. Ganap na hindi rin nito ipinatupad ang patakaran ng Komunista Internasyonal tungkol sa paggamit ng pakikibakang anti-pasista bilang pagkakataon upang itatag ang demokratikong pamahalaang bayan. TOP 3. Ang panahon ng linya ng "kapayapaang demokratiko" Habang sumusulong ang mga pwersang imperyalistang Amerikano at papet, ang liderato ng Partido na pangunahing naiimpluwensyahan pa ng Kanang oportunismo ni Vicente Lava at Luis Taruc ay nagtiwala sa sinabi ng mga ahenteng Amerikanong umugnay sa kanila na makalalahok sila sa buhay-parlamentaryo at sa rekonstruksyon ng ekonomia ng bayan. Ang liderato ng Partido ay napasalin pa sa mga higit na lantarang Kanang oportunista na tulad nina Pedro Castro at Jorge Frianeza na nagtaguyod ng hayag at legal na partidong pangmasa sa estilo ng mga partidong burges at lalo pang nagpairal ng linyang ihiwalay ang baril sa Pulang mandirigma. Hindi nakita ng liderato ng Partido na sistematikong binubuwag ng mga imperyalistang Amerikano at mga panginoong maylupa ang hukbong bayan upang palakasin ang sandatahang kontrarebolusyon at muling ipataw ang kanilang kontrol sa buong kanayunan at sa buong bayan.
Tapat sa Kanang oportunistang linya nito, ang liderato ng Partido ay naglipat ng punonghimpilan sa lunsod mula sa kanayunan, naglunsad ng Democratic Alliance na ipinangibabawan ng mga personaheng burges at lumahok sa laro ng eleksyong burges upang matuklasan lamang nang huling-huli na na ang mga imperyalistang Amerikano, burgesiang komprador, panginoong maylupa at burukratang kapitalista ay lalabag sa sarili nilang mga alituntuning parlamentaryo upang makuha ang nais nila, tulad ng Batas Bell sa Kalakalan, Susog-Parity at iba pang hakbanging imperyalista at panginoong maylupa. Sa panahon ng linyang "kapayapaang demokratiko", ang mga reaksyonaryo ay nakabalik sa kanilang mga luklukan ng kapangyarihan sa buong bayan habang walang pag-aalinlangang gumagamit ng sandata upang sugpuin ang sambayanan tulad ng nangyari sa mga rehiyon ng Gitnang Luson at Timog Katagalugan. TOP 4. Ang muling pagtahak sa sandatahang pakikibaka at adbenturismong militar Dahil sa pagkakatalsik sa mga kongresistang suportado ng Partido mula sa kanilang luklukang parlamentaryo, sa pagkakapaslang sa mga rebolusyonaryong lider, Pulang mandirigma, karaniwang mamamayan, at sa makatarungang kahilingan ng sambayanan na ipagpatuloy ang sandatahang pakikibaka, ang Kanang oportunistang liderato sa Partido ay ibinagsak at ang Partido ay nagpasyang maglunsad ng sandatahang pakikibaka noong 1948. Ngunit dahil sa hindi naglunsad ng sapat na kilusang pagwawasto bukod sa pang-organisasyong pagtatakwil sa mga Kanang oportunista, ang lideratong Jose Lava na nagtangkang magpatuloy ng sandatahang pakikibaka ay hindi tumpak na nakapagbalangkas ng mga batayan sa ideolohia, pulitika at organisasyon ng isang matagalang digmang bayan. Bagamat ang partido ay desidido nang maglunsad ng sandatahang pakikibaka, ang kanang oportunistang si Luis Taruc na punong komander noon ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan ay pinahintulutang ipakipagnegosasyon ang pagsuko at pagdisarma sa hukbong bayan nang taon ding iyon ng 1948. Taglay ang dogmatiko at sektaryong aktitud na malinaw na ipinakikita ng mga Resolusyon ng Politburo ng 1950, pinagtibay ng lideratong Jose lava ang mapusok na linyang petiburges ng mabilisang tagumpay na militar sa loob ng dalawang taon na kulang ang tantiya sa kalaban at sobra ang tantiya sa rebolusyonaryong pwersa. Ito ay isang ganap na paglabag sa estratehikong prinsipyo ng matagalang digmang bayan ni Mao Tsetung. Ito ay isa lamang subhetibong kongklusyong hango sa malaking pagtitiwala sa mga panlabas na posibilidad tulad ng ikatlong digmaang pandaigdig, ganap na pagbagsak ng ekonomiang Amerikano at marahas na pagkakahati ng mga lokal na paksyong pampulitika sa buong bayan na pawang hinulaang magaganap sa loob ng dalawang taon. Ang putsistang linya ng tagumpay na militar sa loob ng dalawang taon ay labis na bumanat sa limitadong rebolusyonaryong pwersa na pinalundag sa di-matatatag na purok sa halip na sumulong nang paalon, at nagbunsod sa pagkakapataw ng mga burges na alituntunin ng digmaan at sektaryong parusa sa mga pagal na kadre, kawal at masa. Habang lalong naging komandista ang liderato ng Partido at hukbo, lalon namang nahiwalay ang Partido at hukbo sa masang naging biktima ng mga sektaryong pang-aabuso. Ang mga sektaryong pang-aabusong ito ay lansakang ginaya ng mga reaksyonaryong kawal na nagbalatkayong sibilyan at ibinintang sa Partido at hukbo, bagay na lalong ikinahiwalay ng Partido at hukbo sa masa.
5. Ang panahon ng patuloy na pagkatalong militar Matapos madurog ng kaaway ang lideratong Jose Lava, ginampanan ni Jesus Lava ng pamumuno sa Partido at, kasama ni Casto Alejandrino bilang punong komander, ipinagpatuloy ang linyang "Kaliwang" oportunista at sektaryo ng kanyang kapatid. Idinadahilan ang kabiguan ng lideratong Jose Lava sa kapabayaan at kamalian sa taktikal lamang ng ilang kasama at sa pagkaaksidente lamang, pinag-ibayo ni Jesus Lava ang linya ng kanyang kapatid at hindi inilunsad ang kilusang pagwawasto na kailangang-kailangan. Sa pagsisiwalat sa lantay na ignoransya nito sa teorya ng digmang bayan, isinaad ng lideratong Jesus Lava na ang yugtong estratehiko noon ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan sapul noong 1949 ay hindi estratehikong depensiba ni estratehikong opensiba kundi ang magulong-isip na tinawag nitong "estratehikong kontraopensiba". Ang komperensya ng Komite Sentral noong Pebrero-Marso 1951 na nagtaas kay Jesus Lava sa pagkapangkalahatang kalihim ay hindi nakakita ng anumang malaking kamalian sa ideolohia, pulitika at organisasyon sa nakaraang liderato. Higit na pinagkaabalahan ni Jesus Lava ang maisahan sa pakana at maniobra ang katulad niyang taksil na kareristang si Luis Taruc upang gampanan ang pamumuno sa Partido. Sa pagsamantala sa mga pagkatalong dinanas ng hukbong bayan ay isinulong ni Luis Taruc at ng kanyang pangkatin ang linyang Kanang oportunista ng negosasyong pangkapayapaan sa kaaway. Ang linyang kapitulasyonistang ito'y nagkaroon ng kapahapahamak na resulta sapagkat inudyukan nito ang kagustuhang sumuko ng maraming mandirigma maging sa mga lugar na malakas pa ang hukbong bayan. Noong 1954, ang taksil, traydor at eskirol na si Luis Taruc ay sumuko sa kaaway sa pagtataguyod ng Sentral na Ahensya sa Paniniktik (C.I.A.) ng Estados Unidos. Samantalang naglulunsad ang kaaway ng sunud-sunod na malakihang kampanya ng "pagkubkob at paglipol" noong 1951, ang Partido at hukbo ay lubhang nahati sa dalawang paksyon at ang lideratong Jesus Lava ay hindi nakapagbigay ng nakapagbubuklod na pamumuno sa idoelohia, pulitika at organisasyon para sa matagalang digmang bayan. Walang humpay na sumama ang ugnayan ng Partido at hukbo sa isang panig at mga mamamayan sa kabila, ng mga pinuno ng Partido at mga pinuno ng hukbo sa isang panig at mga mandirigma sa kabila, at sa hanay ng mga mandirigma. Hindi nasapol ng lideratong Jesus Lava ang linyang pangmasa, hindi napangibabawan bagkus ay pinag-ibayo ang marahas na gawaing sektaryo ng dating liderato at patuloy na pinalaganap ang pananaw na lantay-militar. TOP 6. Ang muling paglitaw ng kanang oportunismo at takboismo Noong 1955, ang lideratong Jesus Lava ay kinubabawan ng pesimismo tungkol sa sandatahang pakikibaka bunga ng walang tigil na pagkatalong militar at ng pagkahiwalay nito sa masa. Ang dogmatismo, "Kaliwang" oportunismo at sektarismong pinairal nito ay madaling bumaligtad tungo sa empirisismo at kanang oportunismo. Bunga ng patuloy na pagkatalong militar, tuluyang pinairal ng lideratong ito ang linya ng parlamentaryong pakikibaka, sukdang binuwag nito ang mga sandatahang yunit ng hukbong bayan na naaabot pa nito at ginawa iyong mga "brigada pang-organisasyon". Noong si Jesus lava mismo ay naghahanda nang talikdan ang sandatahang pakikibaka at ang kanayunan, binuwag niya ang sariling pangkat na panseguridad. Nang mga panahong iyon, ang mga taksil na rebisyonistang Khruschev ng Unyon Sobyet ay naglulunsad na ng pandaigdigang kampanya para sa "parlamentaryong landas" at "mapayapang transisyon". Noong 1958, tinakasan ni Lava ang kanayunan at sinimulan ang kanyang karerang "pangkalahatang kalihim" sa kanyang nakakubling silid sa lunsod na kung saan siya naglabas ng mga "political transmissions" at direktiba nang walang pinagbatayang kolektibong talakayan at kongkretong karanasan. Ang takboismong ito ay tinularan ng iba pang pangunahing lider ng Partido, isa na ang punong komander ng hukbong bayan na si Casto Alejandrino. Subalit maging ang mga pagpupunyagi ng Partido sa parlamentaryong pakikibaka ay hindi tuwirang nagkabunga. Sa ahitasyong pampulitika, ang lideratong Jesus Lava ay bumuntot sa mga lider ng pambansang burgesia at petiburgesiang lunsod na sa nagsasariling pagsisikap ay nakapagpasulong sa linyang antiimperyalista. Ang higit na ikinalumpo ng Partido sa panahong ito ay ang desisyong mag-isang ginawa ni Jesus Lava na ang Partido ay dapat sumunod sa patakarang "isang pila" sa organisasyon. Ito'y lantay at payak na likidasyonismong nagwawasak sa kolektibong buhay ng Partido. Ang malawak na mayorya sa mga kasapi ng Partido ay nagkaputulan ng ugnayan at naging pasibo sapagkat madali silang naputol sa mga kinabibilangan nilang "isang pila" bunga ng pagkaaresto ng ilang kasapi ng Partido, ng lumalaking pasibidad at oportunismo ng iba, o ng kadalangan ng ugnayan. Noon na lamang 1960 lumitaw ang mga bagong kasapi ng Partido sa mga legal at ilegal na larangan ng pakikibaka upang salinan ng bagong lakas ang Partido at hukbo. Sa patuloy na pagsasagawa sa kanyang patakarang takboista, si Jesus Lava ay bigong naghangad na lisanin ang bayan. Nang mabigo rito, tinangka niyang langi-langisan ang Pangulong Macapagal sa pamamagitan ng ilang liham ng pagsuporta sa kanyang mga patakarang burges at sa wakas ay sumulat sa kanya ng mapagkanulong liham na nag-aalok ng kanyang pagsuko. Bago siya "nadakip" ng kaaway noong 1964, sinarili niya ang paghirang sa pamunuan ng Partido. Ang mga paghirang na ito ay kinatangian ng nepotismo na mababaw na pinagtakpan ng nominal na pagkakahirang kay Pedro Taruc bilang "kalihim para sa mga magsasaka". Ang iba pang hinirang sa kalihiman ng Partido ay malalapit na kamag-anak ng mga Lava na hindi man lamang namukod sa gawaing pampartido o pangmasa. TOP 7. Ang pangingibabaw ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung sa Partido at Hukbo
Kung may punonghimipilang burges sa loob ng Partido at hukbo at mga paksyon din sa loob ng punonghimpilang burges ding iyon, ang kontrarebolusyonaryong linyang iniharap nito ay tiyak na sasalungatin ng rebolusyonaryong linyang inihaharap ng rebolusyonaryong punonghimpilang proletaryo sa loob din ng Partido at hukbong ito. Sa mga taong mula 1964 hanggang kasalukuyan, nang ang mga solong desisyon at paghirang na ginawa ng taksil na si Jesus Lava ay nakapanggugulo sa loob ng Partido, yaong mga nagtataguyod sa Marixsmo-Leninismo- Kaisipang Mao Tsetung na pinamunuan ni Kasamang Amado Guerrero ay tumayo upang punahin at itakwil ang makabagong rebisyonismo at ang burges na reaksyonaryong linya ng mga Lava at mga Taruc at sa gayo'y naghanda ng landas sa muling pagtatatag at muling pagtatayo ng Partido Komunista ng Pilipinas sa kataastaasang pamumatnubay ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung. Kasabay nito, sa loob ng hukbong bayan, si kasamang Dante, kasama ang yumaong Kasamang Delio, ay puspusang nakibaka upang ilagay ang iba pang Pulang komander at mandirigma sa rebolusyonaryong landas, buong sugid na nagpatuloy sa sandatahang pakikibaka at nagtaguyod sa rebolusyonaryong diwa ng paglilingkod sa sambayanan at pagsanib ng mga Pulang mandirigma sa mga mamamayan tulad ng isda sa tubig. Ngayon, ang pagpupunyagi ng lubhang nakararami sa mga Pulang komander at mandirigmang pinamunuan ni Kasamang Dante na nanatiling tapat sa demokratikong rebolusyon ng bayan at sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung ay nagtagumpay na baguhin ang lumang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan upang maging Bagong Hukbong Bayan sa kataastaasang pamamtnugot ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung at ng Partido Komunista ng Pilipinas. TOP |