Women play a significant role in waging revolution.

The New People's Army is the revolutionary army of the Filipino people under the absolute leadership of the Communist Party of the Philippines.

In carrying out the revolutionary armed struggle, the NPA follows the general line of the new democratic revolution through protracted people's war. It is the principal instrument in implementing the revolutionary program for land reform, the main democratic agenda of the people's revolution.

Red fighters of the NPA are principally drawn from among the peasant masses. The correctness and need to carry out revolutionary armed struggle and the justness of the work of the NPA also inspires workers, students-youth, teachers and other professionals to join the revolutionary army.

The NPA was established in March 29, 1969 with 60 Red fighters armed with 9 automatic rifles and 26 single-shot rifles and handguns. By carrying out tactical offensives, the NPA is able to accumulate arms and weaken the reactionary mercenary troops.

Currently, the NPA has a sum total of at least three divisions or nine brigades or 27 battalions of full-time Red fighters with high-powered rifles. These are augmented by tens of thousands in the people's militias and further on by hundreds of thousands in self-defense units of the mass organizations.

Membership is open to all persons aged 18 years old and above, physically and mentally fit, willing and ready to fight for freedom.



Page not found » PRWC | Philippine Revolution Web Central

Kasaysayan ng Bagong Hukbong Bayan

Kasintiyak ng pagpapanibagong-buhay, pagpapanibagong-oryentasyon at pagpapanibagong-tatag ng Partido Komunista ng Pilipinas sa kataastaasang pamamatnubay ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung ang rurok ng rebolusyonaryong ideolohiang proletaryo sa kasalukuyang panahon, ang hukbong bayan sa pagpapalaya na pinamamatnugutan ng Partido bilang pangunahing kasangkapan nito sa rebolusyong Pilipino ay nagpapanibagong-buhay, nagpapanibagong-oryentasyon at nagpapanibagong-tatag sa kataas-taasang pamamatnubay ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung.

Kung papaanong ang Partido ay nagsasagawa ng kilusang pagwawasto sa diwang "matuto sa mga nakaraang pagkakamali upang maiwasan ang mga ito sa hinaharap" at "gamutin ang karamdaman upang mailigtas ang maysakit", gayundin ang ginagawa ng hukbong bayan upang tumpak itong magbagong-buhay, magwaksi ng mga nabulok at magsalin ng bagong dugo nang sa gayo'y buong tatag at sigasig na matupad ang mga tungkulin sa demokratikong rebolusyon ng bayan laban sa imperyalismong Amerikano, katutubong pyudalismo at burukratang kapitalismo.

Ang Bagong Hukbong Bayan ay walang alinlangang lumilitaw matapos ang dalawampu't pitong taong mahirap na pakikibaka at pagpapakasakit ng mga naggumiit sa rebolusyonaryong sandatahang pakikibaka alang-alang sa demokratikong kapakanan ng sambayanan. Maipagpaparangalan ng hukbong ito ang maniningning na tagumpay nito at ang maningning na pagkamartir ng mga magigiting na bayani nito. Makahahango rin ito nga mapapait na aral mula sa kabiguan ng mga nakaraang liderato na ipagtagumpay ang rebolusyon o kaya'y panatilihin ang kahit isang base sa loob ng mahigit na dalawampung taon. Ito ngayo'y nagsusumigasig na pag-ibayuhin ang sandatahang pakikibaka sa ilang sonang gerilya at naghahandang ipatupad ang rebolusyong agraryo bilang kondisyon sa pagtatatag ng baseng bukid at ng nagsasariling sandatahang rehimen.

Ang unibersal na katotohanan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung ay sadya at puspusang isinasanib ngayon sa kongkretong praktika ng rebolusyong Pilipino. Pagkaraan ng mahabang pagwawasto at pagpuna sa sarili na tumagal nang ilang taon, na inilalahad sa makasaysayang dokumentong "Iwasto ang mga Kamalian at Muling Itayo ang Partido", pinagtibay ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Kongreso ng Muling Pagtatatag na idinaos noong Disyembre 26, 1968 ang bagong Saligang Batas at ang bagong Programa sa Demokratikong Rebolusyon ng Bayan upang mabigyan ng bagong pamamatnubay, pamamatnubay ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung, ang hukbong bayan at ang rebolusyonaryong sandatahang pakikibaka.

Nililinaw ng Saligang Batas at Programa ng Partido na ang landas ng sandatahang rebolusyon ang tanging landas na tatahakin ng sambayanang Pilipino upang makalaya sila sa mapagsamantala at mapang-aping paghahari ng imperyalismong Amerikano, pyudalismo at burukratang kapitalismo. Ang saligang paninindigang ito ng ating Partido ay kumikilala sa dakilang tungkuling ginagampanan ng hukbong bayan sa rebolusyong Piliipino. Sapagkat sandatahang pakikibaka ang pangunahing anyo ng pakikibaka, ang hukbong bayan ang pangunahing anyo ng organisasyon sa demokratikong rebolusyon ng bayan.

Tulad ng malaon nang tinukoy ni Kasamang Mao Tsetung, "Kung walang hukbong bayan ay wala kahit anuman ang sambayanan. Kung walang hukbong bayan, ang Partido Komunista ng Pilipinas o ang uring manggagawang Pilipino ay hindi makapamumuno sa rebolusyon ni makalalaban para sa kapakanan ng sambayanan. Hindi rin mabubuo ang tunay na nagkakaisang prente kung walang sandatahang pakikibaka at hukbong bayan na nagbubuklod sa mga manggagawa at mga magsasaka. Matatamo ng sambayanan at ng Partido ang kapangyarihang pampulitika kung hahawak lamang ng sandata, kung magkakaroon lamang ng tunay na hukbong bayan bilang sandigan ng lahat ng pagsisikap na ibagsak ang mga reaksyonaryo at patatagin ang rebolusyonaryong kapangyarihan. Tulad ng sinabi ni Kasamang Mao Tsetung, "Ang kapangyarihang pampulitika ay nagmumula sa baril".
TOP


ANG BAGONG HUKBONG BAYAN

Ngayong Marso 29, 1969, sa ikadalawampu't pitong anibersaryo ng pagkakatatag ng hukbong bayan, may pinakamahusay at pinakamaligayang dahilan tayo upang magdiwang. Alinsunod sa pagwawasto, muling pagtatatag at pagpapanibagong-lakas ng Partido Komunista ng Pilipnas sa makapangyarihang inspirasyon ng di-magagaping Marxismo-Leninismo- Kaisipang Mao Tsetung, kaming lubos na nakararami sa mga Pulang komander at mandirigma ay nagpupulong upang pormal na ipahayag ang aming pagtahak sa rebolusyonaryong linyang proletaryo ng Partido at ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung, ipatalastas ang paglikha sa Bagong Hukbong Bayan at pagtibayin ang borador ng mga Saligang Alituntunin na ihaharap sa Komite Sentral ng Partido, ipahayag ang aming di-mababagong pagtatakwil at tagumpay laban sa punong himpilang burges sa loob ng hukbo na pinamamanginoonan ng taksil na pangkating Taruc-Sumulong, at ipahayag ang aming matibay na kapasyahang bakahin at puksain ang lahat ng labi ng makabagong rebisyonismo at Kanang oportunismo, laluna ang burges na reaksyonaryong linya ng mga Lava at Taruc na dumungis sa dangal at prestihiyo ng Partido at hukbo at malaon nang humahadlang sa pagsulong ng demokratikong rebolusyon ng bayan laban sa imperyalismong Amerikano, pyudalismo at burukratang kapitalismo.

Ngayo'y binabanggit natin ang Bagong Hukbong Bayan sapagkat nasa pinag-isang pamamatnugot ito ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung at ng Partido Komunista ng Pilipinas, sapagkat tunay itong naglilingkod sa pundamental na interes ng sambayanan sa pagiging pangunahing kasangkapan sa rebolusyong agraryo na ating ilulunsad upang pakilusin ang masang magsasaka at manggagawang bukid at sa nagkakaisang prente laban sa imperyalismong Amerikano, pyudalismo at burukratang kapitalismo, at sapagkat taglay nito ang estilo ng pagiging malapit sa masa ng sambayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila sa lahat ng paraan.

Ang ating hukbo ay bago sa dalawang pakahulugan. Ito ay bago sa pakahulugang pundamental na naiiba ito sa reaksyonaryong papet na Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (at sa lahat ng suplementaryong pwersa nito) na nagbubunsod ng sandatahang panunugpo sa sambayanan at nagtatanggol sa mga uring nagsasamantala. Ito ay bago rin sa pakahulugang itinatakwil nito ang burges na reaksyonaryong linya na nanatili sa hukbong bayan mula sa panahon ng Hukbalahap hanggang sa panahon ng pangkating Taruc-Sumulong at nanabotahe sa rebolusyonaryong sandatahang pakikibaka sa matagal na panahon.

Hindi mapag-aalinlanganan ang maningning na kasariwaan ng Bagong Hukbong Bayan sapagkat ito'y lumitaw na bunga ng tunggalian sa loob ng Partido at kongkretong resulta ng tagumpay ng Marxismo-Leninismo_ Kaisipang Mao Tsetung at ng pagbabagsak sa punong himiplang burges sa loob ng Partido at hukbo. Sa pagsunod sa Marxista-Leninistang pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang Bagong Hukbong Bayan ay sumibol na bagong pormasyon ng mga Pulang komander at mandirigmang nagtakwil sa punong himpilang burges ni "Komander" Sumulong at nagtataguyod sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung laban sa mapangwasak na burges na reaksyonaryong linya ng mga Lava at Taruc.

Sa loob ng Partido, kaming Pulang komander at mandirigmang sumusunod sa pamumuno ng mga rebolusyonaryong kadreng proletaryo at pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung ay nagwawaksi sa dalawang pangunahing bukal ng makabagong rebisyonismo at Kanang oportunismo sa Partido at hukbo.

Isang pangunahing bukal ang nakabaseng-lunsod na rebisyonistang pangkating Lava na pangunahing okupado sa legalista at parlamentaryong pakikibaka at suwelduhan ng reaksyonaryong pamahalaang burges ang mga prinsipal na lider. Ipinalalagay ng pangkating ito na ang pambansang nagkakaisang prente ay usaping hiwalay sa sandatahang pakikibaka. Tinatangkilik nito ngayon ang isang repormistang samahan ng mga magsasaka na ang pagkilos ay itinutuon lamang sa arbitrasyon sa loob ng mga makitid na pamamaraan ng reaksyonaryong pamahalaang burges at sistematikong sumasabotahe sa rebolusyonaryong gawain ng hukbong bayan at kumakalinga sa mga sumuko, manggagantso, mangangalabaw at iba pang masasamang elemento.

Ang isa pang bukal ng makabagong rebisyonismo at Kanang oportunismo ay pinamamanginoonan ng pangkating Pedro Taruc-Sumulong na umaangkin sa pangalan ng Partido Komunista ng Pilipinas at Hukbong Mapagpalaya ng Bayan upang isulong ang sakim nilang kontrarebolusyonaryong layuning burges at pyudal na sa katunaya'y walang kaibhan sa layunin ng rebisyonistang pangkating Lava.

Sa pagtalakay sa kasalukuyang kalagayan sa hukbo, dapat nating lubusang talakayin ang pangkating Taruc-Sumulong na sapul noong 1964 ay pormal na umaangkin sa liderato sa lahat ng yunit ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan na magiting na naggumiit sa sandatahang pakikibaka sa kaaway. Bagamat naibagsak na naming lubusang nakararami sa mga Pulang komander at mandirigma ang taksil na rebisyonistang pangkating ito sa kanayunan, dapat nating malinaw na ibunyag ang mga antipartido at kontrarebolusyonaryong krimen nito upang magsilbing negatibong halimbawa at upang maipakita sa lahat ng kasama at sa sambayanan na ang Partido Komunista ng Pilipinas at ang Bagong Hukbong Bayan ay may kakayahang magwasto ng mga kamalian at magpanibagong-tatag bilang mga tunay na kasangkapan ng demokratikong rebolusyon ng bayan laban sa imperyalismong Amerikano, pyudalismo at burukratang kapitalismo. TOP


MGA KRIMEN NG PANGKATING TARUC-SUMULONG

Sadyang pinananatili ng pangkating Taruc-Sumulong ang ideolohia at pagkilos ng pangkat ng rebeldeng lagalag para sa sakim na kontrarebolusyonaryong layuning burges at pyudal.

Bagamat ito'y umaangkin sa pangalan ng Partido at hukbo at maging sa matataas na katungkulan dito sa pamamagitan ng isang sistema ng huwad na paghirang, ito'y tahasang tumatahak sa kontrarebolusyonaryong paninindigan hinggil sa maraming suliranin at isyung may saligang kahalagahan at lantarang lumalabag sa mga saligang panuntunan ng partidong Marxista-Leninista at ng hukbong bayan. Tulad ng mga tagapagmana at tagapagtaguyod ng rebisyonistang linyang Lava, hindi kailanman itinuturing ng pangkating Taruc-Sumulong mula 1964 hanggang 1969 na kailangang magharap ng bagong programa at saligang batas ng partido at iba pang patnubay upang halinlan yaong mga lipas na dokumentong inilabas noong mga taong 1946-51 at yaong mga dokumentong arbitraryong inilabas ni Jesus Lava bago sumuko. Hindi kailanman sinisikap ng mga tagapagmana ng mga Lava at Taruc na pag-aaralan ang unibersal na katotohanan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung at gamitin ito sa kongkretong praktika ng rebolusyong Pilipino. Sa halip ay patuloy nila itong nilalabag.

Ang mga magsasaka ay patuloy at kusang-loob pa ring nagbibigay ng tulong sa hukbong bayan. Ito'y sapagkat lampas sa burukratikong kontrol ng pangkating Taruc-Sumulong, kaming nakararami sa mga Pulang komander at mandirigma ay laging puspusang nagsisikap na tumulong sa masa.

Sa kabila ng pagpapanggap nitong mamuno, ang pangkating Taruc-Sumulong ay sadyang hindi makapagbigay ng tumpak na rebolusyonaryong direksyon sa sandatahang pakikibaka. Lubusan nitong tinatanggihan ang prinsipyo ng rebolusyong agraryo at kailanma'y hindi ginagawa ang anumang mahalagang hakbang na isulong iyon. Sa halip ay kinakasangkapan ng pangkating ito ang mga sandatahang yunit ng hukbong bayan upang ipilit ang pamamagitan nito sa mga panginoong maylupa at mga magsasaka. Ang pamamagitang ito ay karaniwang ginagamit upang katigan ang mga panginoong maylupang nakakukuha ng anumang naisin nila sa pamamagitan ng pag-aambag ng salapi o palay sa pondong "rebolusyonaryo". Sa ganitong paraan, ang pangkating Taruc-Sumulong sa buong kabuktutang nagtatangkang ihiwalay ang Pulang hukbo sa masang magsasaka. Pinauunlad ng pangkating ito ang pananaw ng pangkat ng rebeldeng lagalag sa kriminal na pagtangging isalalay ang pag-unlad at paglaki ng hukbong bayan sa pakikibaka ng magsaska para sa lupa at sa pagpapakilos sa masa.

Sistematikong ginagamit ng pangkating ito ang mga yunit ng hukbong bayan upang higit na gipitin ang masang magsasaka kaysa sa mga panginoong maylupa na higit nitong nais kaibiganin. Mababaw na ikinakatwiran nito na ang mga panginoong maylupa ay kailangan sa "nagkakaisang prente" laban lamang sa imperyalismong Amerikano. Subalit nang maharap sa partikular na kaso ng mga maralitang magsasakang itinataboy ng mga imperyalistang Amerikano at ng mga utusang aso nito sa Concepcion, Tarlac upang bigyang-daang ang pagkalaki-laking instalasyon ng radyo ng Voice of America, iniutos ng pangkating ito na huwag labanan ng hukbong bayan at ng masang magsasaka ang pagtataboy. Sa maraming pagkakataon, pinipigilan ng pangkating Taruc-Sumulong ang mga aksyong protesta ng masa at mga welga ng manggagawa laban sa mga base militar sa kontra- rebolusyonaryong dahilang malaki ang malulugi sa negosyo ng Lunsod ng Angeles kung tutuligsain at gagalitin ang mga imperyalistang Amerikano.

Walang kahihiyang iniutos sa malawak na saklaw ng pangkating ito ang paggamit sa ilang yunit ng Pulang hukbo bilang gwardyang panseguridad sa mga bukirin at bodega ng mga panginoong maylupa sa mababaw ring dahilang "ito'y tunay na pagtulong sa mga magsasaka na dayain ang mga panginoong maylupa". Ito ay lubusang tiwaling oryentasyon sa rebolusyon sapagkat hindi kailangang magkasya ang mga magsasaka sa "pandaraya" lamang sa mga panginoong maylupa. Ang nangingibabaw sa layunin ng Partido at hukbo ay pukawin at pakilusin ang mga magsasaka upang maging rebolusyonaryong pwersang pangmasa na may kakayahang dumurog sa mga haligi ng pyudalismo.

Ang mga magsasaka ay patuloy at kusang-loob pa ring nagbibigay ng tulong sa hukbong bayan. Ito'y sapagkat lampas sa burukratikong kontrol ng pangkating Taruc-Sumulong, kaming nakararami sa mga Pulang komander at mandirigma ay laging puspusang nagsisikap na tumulong sa masa. Laging pinananatili naming nakararaming Pulang komander at mandirigma ang pinakamahigpit na pakikipag-ugnayan sa masang magsasaka sa pamamagitan ng patuloy na pagpanig sa kanila laban sa mga panginoong maylupa, armadong ahente at tropa ng reaksyonaryong pamahalaang burges at masasamang elementong tulad ng mangangalabaw, manggagantso at bandido. Sa maraming lugar ay nagtatagumpay kaming ibaba ang upa sa lupa at interes sa pautang nang lampas sa ipinangangako ng burges na Kodigo sa Reporma sa Lupang Agrikultural. Ginagamit namin ang aming sandata upang bawasan ang pang-aapi at pang-aabuso ng uring panginoong maylupa at ng reaksyonaryong pamahalaang burges sa pamamagitan ng paglipol sa kanilang malalaking kinatawan at utusang aso sa maraming lugar kung kayat mas mahusay ang kalagayan ng mga mamamayan doon kaysa mga nasa ibang lugar. Natutulungan din namin ang mga magsasaka sa kanilang pang-araw-araw na gawain at pamumuhay.

Ngunit tuwing lalapitan ng mga panginoong maylupa ang pangkating Taruc-Sumulong tungkol sa kanilang alitang agraryo sa mga magsasaka, ang kapakanan ng huli ay ipinagbibili kaya'y nasasabotahe ang mabuting gawain ng hukbong bayan. Kaya ipinagdaramdam ng mga magsasaka sa ilang ugar na sila'y pinapag-aambag sa isang hukbong ang liderato ay pumapanig sa mga panginoong maylupa. Sa gayon, ang mga reaksyonaryo at kontrarebolusyonaryong repormista ay nabibigyan din ng pagkakataong siraan ang hukbong bayan at ihanda ang pagkakanulo at pagpaslang sa mga Pulang mandirigmang nasa larangan, laluna sa mga lugar na pinagsisikapan nating magpalawak sa unang pagkakataon.

Sa mga welga ng manggagawa at estudyante sa Gitnang Luson, ang pangkating Taruc-Sumulong ay hindi lamang nagkikibit-balikat samantalang inaatake ang mga welgista ng naghaharing uri at ng mga sandatahang ahente nito, ang Konstabularya ng Pilipinas at lokal na pulisya, kundi gumagamit pa ang pangkating ito ng sariling mga sandatahang yunit upang pilitin ang mga welgista at mga organisasyon nila na sumunod sa kagustuhan ng mga mapagsamantala. Ito ay ginagawa kapalit ng karampot na salapi.

Ang kapitulasyon sa uri, kolaborasyon sa uri at pagtataksil sa uri ay sukdulang pinaiiral ng pangkating Taruc-Sumulong sa iba't ibang paraan. Sa pulitika, ito ay yumuyuko sa pinakamalalaking kinatawn ng mga uring mapagsamantala - tulad nina Marcos, Nepomuceno at Cojuangco. Ang mga pasimuno ng pangkating ito ay "nakikipagkumpare" sa mga reaksyonaryong pulitikong ito at nakikipagkasundo sa kanila tungkol sa "pagtigil ng putukan" at "suportang pampulitika". Ang kahangalang ito ng pagyakap sa kaaway, ng pakikipagsabwatan sa mga reaksyonaryong pulitiko ay humantong sa pagkakabunyag at pagkakapaslang sa napakaraming kasama pagkaraan ng eleksyon ng 1965. Ang ganitong pagtataksil sa uri ay dili ibi't repleksyon sa pulitika ng kontrarebolusyonaryong katangiang burges at pyudal ng pangkating Taruc-Sumulong. Kaugnay nito, ang pangkating ito ay lantarang nagkakalat ng "pilisopia ng kaligtasan" sa hanay ng mga Pulang mandirigma. Kamakailan lamang, ito ay nag-utos sa mga rebolusyonaryong komander naitigil ang mga kampanya ng paglipol sa mga destakamento at mga ahente ng kaaway sa mga lugar na pinamamatnugutan nila. Upang bigyang kasiyahan ang malalaking reaksyonaryong pulitiko, ang pangkating ito ay nag-utos, kapalit ng salapi, na isuko sa reaksyonaryong pamahalaan ang isang kasama. Mabuti na lamang at binigo ang kontrarebolusyonaryong utos na ito na isuko ang isang kasama.

Sa mga welga ng manggagawa at estudyante sa Gitnang Luson, ang pangkating Taruc-Sumulong ay hindi lamang nagkikibit-balikat samantalang inaatake ang mga welgista ng naghaharing uri at ng mga sandatahang ahente nito, ang Konstabularya ng Pilipinas at lokal na pulisya, kundi gumagamit pa ang pangkating ito ng sariling mga sandatahang yunit upang pilitin ang mga welgista at mga organisasyon nila na sumunod sa kagustuhan ng mga mapagsamantala. Ito ay ginagawa kapalit ng karampot na salapi.

Ang malinaw na dahilan ng kontrarebolusyonaryong rebisyonistang patakaran ng "mapayapang pakikipamuhayan" ay ang pangako ng kaaway na pahintulutan ang pag-aaring lupa, pamumuhunan sa Lunsod ng Angeles at sa iba pang dako at pangingikil ng pangkating Taruc-Sumulong sa mga negosyante, panginoong maylupa at masang magsasaka, na pawang nasa ilalim ng mag-isang kontrol at disposisyon ni "Komander" Sumulong sa ngalan ng Partido at hukbo. Ang walang prinsipyong kompromisong ito ay di-tumpak na binibigyang-matwid batay sa ekonomismo. Gayunman, ang salapi at ari-ariang inipon ng pangkating ito ay buong kasibaang sinarili ng mga pasimuno ng pangkatin at ipinagkakait sa Partido at sa hukbo.

Sadyang pinipigilan ng pangkating Taruc-Sumulong ang paglaki ng hukbong bayan at sinisikil din ang buhay-partido dito upang mapanatili ang makasariling paghaharing kapitalista at pyudal nito. Walang demokratikong sentralismo; mayroon lamang "sentralismo" ng isang bigatin, si "Komander" Sumulong. Sa pag-abuso sa kanyang pribadong paghahari ng sentralismong walang demokrasya, si "Komander" Sumulong ay kriminal na nagdedesisyong mag-isa sa pagpatay sa mga "nagkasalang" kasama at ibang tao, sa disposisyon ng malalaking halaga ng salapi at iba pa. Kahit walang karampatang paglilitis at batay sa pinakamabababaw na dahilang kadalasa'y may kinalaman sa koleksyon ng salapi o sa ilang negosyo, hinahatulan niyang karapat-dapat parusahan ng kamatayan ang maraming kasama at nangyayari nga ang maramihang pamamaslang alinsunod sa kanyang mga utos. Ang pangkating Taruc-Sumulong ay tuwirang may kinalaman sa pagpatay sa mga kasama at sa iba pang tao na may kinalaman sa ilang maruruming kasunduan sa negosyo kaysa sa rebolusyonaryong sandatahang pakikibaka laban sa kaaway. Sa pagsunod sa kinagawiang estilong sektaryo ng mga lideratong Jose at Jesus Lava, ang pangkating Taruc-Sumulong ay nag-iimbento ng mga kaso ng "oportunismo sa pinansya" na kadalasa'y kinasasangkutan ng kaliit-liitang halaga upang siraan ang mga kasamang nangangahas pumuna o sumalungat sa pangkating ito at bigyang-matwid ang maramihang pagbitay sa kanila.

Sapagkat ganap na walang demokrasyang pinaiiral ang pangkating Taruc-Sumulong, sapagkat walang sistema ng komite, sapagkat walang sistema ng mga pinunong pampulitika, walang sistema ng pag-uulat at walang pagtutuoos ng pondo, ang mga pasimuno ng pangkating Taruc-Sumulong ay nasa katayuang gumawa ng mga arbitraryong kapasyahan, abusuhin ang mekanikal na disiplina ng ilang kasama at sandatahang yunit at gumawa ng malakihang paglulustay na kahiya-hiyang ipinakikita ng kanilang marangya at maruming pamumuhay, ng pagkakaroon ng maraming-asawa at paggastos sa pondo ng Partido sa gayong paraan, ng mga engrandeng handaang inihahandog nila sa kanilang mga reaksyonaryong kaibigan at "kompadre" at ng pagbibigay sa mga malapit na kamag-anak ng mga pribadong titulo sa ilang malalaking ari-ariang dapat ay nauukol sa Partido at sa sambayanan.

Sa patuloy na pagpapasok sa Partido at hukbo ng estilong bagamundo at lumpenproletaryo at sa pagkilos bilang pasistang gangster at maliit na panginoong militar, humihirang si "Komander" Sumulong ng mga maton at kriminal para sa matataas na posisyon sa kanyang pamunuan at inihahalo ang mga iyon sa mga tapat na kasama, personal na nambubugbog sa kanilang lahat at nag-uutos na patayin sila kung hindi nila matugunan ang kanyang mga kahilingan sa pinansya. Ginagamit din ni "Komander" Sumulong ang pangalan ng Partido at hukbo sa pagsasagawa ng usura sa mga kasama at sa mga mamamayan sa karaniwang interes ng 50 porsiento bawat buwan, sa pamimilit na ipagbili sa kanya ang mga ari-arian sa presyong diktado niya at sa pangingikil ng salapi at butil sa masa. Sa katunayan ay minamanipula niya ang mga yunit ng hukbong bayan upang palakarin ang kanyang buktot na negosyo sa estilo ng isang gang ng mangingikil. Ang taong ito na nagpapanggap na punong komander at pambansang pinuno sa pananalapi ng hukbong bayan ay isa sa pinakaimbing ulupong na pumuslit sa Partido at sa hukbo. Si Pedro Taruc ay dapat lubusang managot bilang pangunahing kasabawat ni Sumulong.

Dahil sa makasasriling kontrarebolusyonaryong interes nito, ang pangkating Taruc-Sumulong ay natatakot sa pagbubuo ng partidong Marxista-Leninista sa loob ng hukbong bayan sa pagpapalaya. Natatakot ito sa demokrasya at sa paggamit ng pagpuna at pagpuna sa sarili, natatakot ito sa pagtaas ng kalidad ng mga kadre ng Partido at mga Pulang mandirigma at sa paglawak ng hukbo sa pamamatnubay ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung. Natatakot itong malantad, mapuna at matakwil. Kaya, minamabuti pa nitong kumilos bilang sindikato sa krimen. Napakalinaw na ngayon kung bakit patuloy na pinaiiral ng pangkating Taruc-Sumulong ang sektarismo at kaisipang pinid-pinto. Bigong hinahangad nitong mapigil ang paglawak ng Partido at hukbo at ang paglitaw ng mga rebolusyonaryong organisasyong pangmasa upang mahadlangang pumasok ang mabuti at mapanatili ang masama at mapamalagi ang kontrarebolusyonaryong taksil sa pamatnugutan nito at ang sistema ng pribadong pag-angkin ng kayamanan. Ibig ng pangkating ito na mamanginoon sa Partido at hukbo sa Gitnang Luson na parang "nagsasariling kaharian" nito. Ito ay ginagawa ng pangkating Taruc-Sumulong ngayon pa namang mahigpit ang pangangailangang muling itayo ang Partido at hukbo bilang matalik at masigasig na lingkod ng sambayanan sa pambansang saklaw. TOP
NEXT >>>