Pag-angkin ng China sa Kalayaan at Panatag, tinutulan

,

Mahigpit na tinutulan ng mamamayang Pilipino ang muling pag-angkin ng China noong Abril 18 sa dalawang teritoryo ng Pilipinas: ang Kalayaan Group of Islands (internasyunal na pangalan: Spratly Islands) at Panatag Shoal (internasyunal na pangalan: Scarborough Shoal.)

Ang Kalayaan Group of Islands, na itinuturing na munisipyo ng Palawan, ay pinangalanan bilang distrito ng Nansha. Ang Panatag Shoal naman ay ipinailalim sa distrito ng Xisha na kinabibilangan din ng Paracel Islands na kapwa inaangkin ng China at Vietnam. Ang bagong-buong Nansha at Xisha ay ipinailalmin sa Sansha City, na binuo ng China noong 2012 para saklawin ang maliliit na isla sa South China Sea.

Pag-angkin ng China sa Kalayaan at Panatag, tinutulan