Kalatas February 2021 | Tula: Kung Hindi Ako Magrerebolusyon

,

Kung Hindi Ako Magrerebolusyon
Trestala

Kung hindi ako magrerebolusyon,
Ano ang patutunguhan ko?

Magbulag-bulagan,
Tumawid sa kalsada nang marahan habang
iniintindi ang sariling kapakanan
at umangat na lamang
Habang marami’y lubog sa kumunoy ng kahirapan?

Huwag na lamang.
Ngunit, paano kung:

Tumulong na lang sa ibang paraan?
Maaari. Siguro kung may iba pang paraan.
Gumana ba ang ubos-kayang pagpapapasa
Ng gan’to’t-ganyang mga papeles,
Pagtulak na ipasâ ang mga batas,
Usigin sa korte ang mga mapagsamantala?

Minsan, oo,
Palaging hindi. Pero ako’y nagagalak na’t

maraming nakasaksi ng ating makatwirang krusada
sa korte’t mga lunsaran sa kalsada.
Silang mga sumigaw mula sa kanilang mga kotse, “Tama!”
O sa mga maralita sa kantong lilingon at babati,
O sa mga komyuter na matamang nakikinig at lalapit,
“Ipagpatuloy niyo lang iyan!”

(Salamat, dagliang kaibigan,
sana sa susunod, magkasama
na tayo sa lansangan
at sa ating parehong pinaglalaban.)

Ang nais lang naman ng mga bwitre
ay pilayin ang ating nagpupuyos na diwa,
pasukuin umano dahil sa ganto’t-ganyang hirap,
o sa ganto’t-ganyang iskandalo.

Ngunit, walang magbabago
kung ganito ang istilo
ng mga berdugong panatiko
ng tigreng papel na tiyak na magugupo
sa kasaysayan ng tao!

At sa araw na ito
itataga ko sa bato:
Magbubuno ako ng lakas,
ang makatarungang pagbigwas,
ay ating mapamamalas
sa pag-aarmas!

hanggang sa aking huling mga segundo—

Magrerebolusyon ako!

Kalatas February 2021 | Tula: Kung Hindi Ako Magrerebolusyon