Araw ng huwad na kalayaan, ginunita sa mga rali

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Nagprotesta ang mga grupong pambansa-demokratiko sa loob at labas ng bansa para kundenahin ang nagpapatuloy na neokolonyal na paghahari ng imperyalismong US sa bansa noong Hunyo 12, araw ng huwad na kalayaan ng bansa.

Nagmartsa sila tungong embahada ng US sa Roxas Boulevard at nanawagan sa sambayanang Pilipino na ilantad at tutulan ang imperyalismong US at ipaglaban ang tunay na kalayaan at demokrasya sa Pilipinas.

Samantala, nagsagawa ng karaban ang mga demokratikong organisasyon ng Southern Tagalog sa mga bayan ng Cavite, kabilang sa Kawit kung saan idineklara ang huwad na kalayaan ng Pilipinas. Sa Cebu City, nagsagawa rin ng demonstrasyon sa Colon Street.

Iba’t ibang aktibidad at pagkilos naman ang inilunsad sa San Francisco at Los Angeles sa California, sa Washington, Chicago at Oregon sa US.

Samantala, naglabas ng pahayag ang mga balangay ng National Democratic Front of the Philippines mula sa iba’t ibang rehiyon at ang mga alyadong organisasyon nito kaugnay ng araw ng huwad na kalayaan. Ayon sa kanila, ang pagkakamit ng ganap na kalayaan ng bansang Pilipinas ay mangyayari lamang sa pagtatagumpay ng demokratikong rebolusyong bayan.

Araw ng huwad na kalayaan, ginunita sa mga rali