Banta sa kalayaan ng Pilipinas ang mga base militar at war games ng US

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Sa mga komunidad sa paligid ng mga base militar ng US, o tinaguriang “EDCA site” at mga pinagdausan ng Balikatan 2024, laganap ang kapabayaan, disimpormasyon at panggigipit ng reaksyunaryong gubyerno at militar ng US. Ito ang kongklusyon ng isang fact-finding mission na isinagawa ng Bayan-USA at PINAS Peace mission sa Central Luzon, Ilocos Norte at Marawi City. Isinapubliko nila noong Hunyo 12 ang resulta ng 3-linggong imbestigasyon.

Kabilang sa mga natuklasan ng delegasyon ang pagtatambak ng US ng pinaghihinalaang gamit-militar sa labas ng itinakdang mga “EDCA site” at pagsasamantala ng mga sundalong Amerikano sa mga rekurso ng masang Cagayanon; pagsasabwatan ng mga pribadong kumpanya at militar; kawalang pagpapabatid sa mga komunidad sa Ilocos at Cagayan kung saan idinaos ang Balikatan na nagresulta sa troma at ligalig sa sibilyang populasyon; at militarisasyon, panggigipit at Red-tagging sa mga komunidad na nagtatanggol lamang ng kanilang kabuhayan. Sa Marawi City, naibahagi ng mga lokal na upisyal ang disimpormasyon kaugnay sa itinatayong base militar at “economic zone” kalapit nito sa “ground zero” gamit ang pondo ng EDCA.

Ayon sa delegasyon, banta sa kalayaan ng mga Pilipino ang lahat ng ito, at dapat papanagutin ang rehimeng Marcos, gayundin ang gubyerno ng US sa ilalim ni Joseph Biden sa pinsala ng dala nitong militarismo sa pinakamahihirap na sektor.

Banta sa kalayaan ng Pilipinas ang mga base militar at war games ng US