Protestang magsasaka sa ika-36 taon ng CARP

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Noong Hunyo 10, nagpiket-protesta ang mga progresibong organisasyon ng mga magbubukid, mangingisda at tagapagtaguyod ng karapatan sa lupa sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa harap ng DAR sa Quezon City kasabay ng ika-36 taon ng CARP. Kinundena nila ang kabulukan ng pinakamatagal, pinakamagastos, at pinakamapanupil na “reporma sa lupa.”

Lumahok sa protesta ang mga magsasaka mula sa Bulacan na biktima ng bogus na CARP. Ilan sa kanila ay mula sa mga bayan ng San Mateo at Norzagaray na pinalayas sa kanilang lupang sakahan noong 2018. Nakiisa rin ang mga magbubukid mula sa San Jose del Monte City na inaagawan ng lupa ng mga panginoong maylupa at malalaking developer na iniiba ang gamit ng lupang sakahan.

Protestang magsasaka sa ika-36 taon ng CARP