4 na pasistang tropa, patay sa kontra-opensiba ng BHB-Western Samar

,
Ang artikulong ito ay may salin sa Waray

Apat na pasistang tropa ng estado ang namatay at dalawa ang nasugatan sa kontra-opensiba ng Bagong Hukbong Bayan-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command o BHB-AOC) noong Setyembre 12 sa Barangay Dawo, Oquendo District, Calbayog City.

Batay sa inisyal na ulat ng BHB-AOC, tinangkang salakayin ng mga pasistang tropa ang isa sa kanilang mga yunit. Sa pagtutulungan ng masa at hukbo, nakamaniobra ang mga Pulang mandirigma upang makapag kontra-opensiba sa kaaway. Nakaatras ang nasabing yunit ng hukbo nang walang kaswalti.

Habang nananatiling pokus ng pag-atake ng 8th Infantry Division sa rehiyon ang Northern Samar, hindi pa rin nito tinatantanan ng pasistang terorismo ang Western Samar.

Kabilang sa mga pag-atakeng ito ang dalawang insidente ng teroristang pambobomba noong Hulyo 7 sa hangganan ng San Jorge at San Jose de Buan, at noong Agosto 1 sa Barangay Bay-ang, San Jorge.#

AB: 4 na pasistang tropa, patay sa kontra-opensiba ng BHB-Western Samar