Ayuda sa mga magbubukid sa Batangas, iginiit sa DSWD

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Umabot sa 3,000 magbubukid, sa pangunguna ng Sugarfolks Unity for Genuine Agricultural Reform (SUGAR)-Batangas, ang nagtipon sa harap ng upisina ng Social Welfare and Development (SWAD) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Batangas City noong Hulyo 10 para igiit ang pamamahagi ng ayuda na nakalaan para sa kanila.

Hindi ipinamahagi ang ayuda na isang taon nang ipinangako sa. mga magbubukid. Labis na itong naantala dahil sa samutsaring mga rekisitong dokumentong ipinapasa sa kanila ng DSWD. Pinakahuli ang hindi pagtanggap ng DSWD ang listaha ng ika-5 bats ng mga benepisyaryo at kanilang mga papeles. Resulta ng pagkilos, tinanggap ng DSWD ang mga papeles ng mga magbubukid at nangakong ipoproseso na ang mga ito. Hihintayin na lamang diumano na malibre si House Speaker Martin Romualdez para sa pagbibigay nito.

“Pagbati sa lahat ng mga kasapi ng SUGAR dahil sa malaking tagumpay ang ginawa nating sama-samang pagkilos,” pahayag ng SUGAR sa araw ng pamamahagi. “Patunay na sa pagkakaisa nating magtutubó ay maipagtatagumpay natin ang ating mga kahingian tulad ng pinatagal ng ₱10,000 ayuda.”

Panawagan nila kay Romualdez na tuparin na niya ang ayudang ipinangako sa 12,000 benepisyaryo.

“Pinatagal na ito nang mahigit isang taon, huwag na ninyong patagalin pa,” pahayag ng grupo.

____
Edited on: July 20, 2024 | 10:01 AM

AB: Ayuda sa mga magbubukid sa Batangas, iginiit sa DSWD