FFPS, nagbigay parangal sa mga martir ng BHB

,

Pinarangalan ng Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS) ang nabuwal na mga Pulang madirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga labanan sa Batangas at Nueva Ecija noong Hunyo. Kinilala ng grupo ang kabayanihan ng mga Pulang mandirigma sa pag-aalay nila ng buhay para sa rebolusyong Pilipino at kagalingan ng mamamayang Pilipino.

“Ang pagkamartir ng mga bayani na naglingkod sa sambayanan ay parating nakapanlulumo, laluna para sa pinakamalapit nilang mga kasama, kaibigan at pamilya. Gayunman, ang mga kwento ng martir ay parehong nagsisilbing inspirasyon sa kanilang mga kasama at masang kanilang pinagsilbihan…, at patunay sa lakas ng rebolusyonaryong kilusan,” ayon sa FFPS.

“Ang kwento ng [mga kabataan martir] ay nakapagbibigay-inspirasyong mga kwento ng kabataang tinalukiran ang kanilang makasariling mga pangarap,” pahayag ng FFPS. Sa halip, pinili nilang lumaban para sa tunay na demokrasya at kalayaan para sa mamamayang Pilipino, mga adhikaing higit sa kanilang mga sarili.

Ayon pa ng grupo, habang lumulubha ang malakolonyal at malapyudal na kalagayan ng lipunan, nananatiling determinado ang mamamayang Pilipino sa kanilang pakikibaka.

“Pinagpupugayan namin ang katapangang ito, at…kikilalanin ang alaala ng mga martir sa pamamagitan ng walang-kapagurang pagbubuo ng malakas at lahatang-panig na pakikipagkaisa para sa rebolusyong Pilipino,” pagdidiin ng FFPS.

Ang FFPS ay isang pandaigdigang organisasyong sumusuporta sa pambansa-demokratikong kilusan sa Pilipinas. Mayroon itong mga kasaping organisasyon mula sa North America, Europe, Asia at Oceania.

AB: FFPS, nagbigay parangal sa mga martir ng BHB