Balita

Lala ng krisis sa edukasyon, tampok sa lubos pagbubukas ng mga klaseng F2F

,

Pinatampok ng lubos na pagbubukas ng face-to-face (F2F) harapang klase sa mga paaralan noong Nobyembre 2 ang lala ng krisis ng batayang edukasyon sa Pilipinas. Kaliwa’t kanan ang bumulagtang mga problema sa mga eskwelahan at hindi lahat ang kinayanang magbukas.

Ibinunyag ng ng Alliance of Concerned Teachers of the Philippines ang maraming kaso ng kung saan napilitan ang mga guro na idaos ang mga klase sa mga sira-sirang gusali, gym, tent o mga kinumpuning “klasrum” dulot ng kapalpakan ng Department of Education na ilatag ang “ligtas at conducive” na lugar sa pag-aaral.

Maraming mga eskwelahan ang napilitang magpatupad ng “shifting” o 2-3 tatlong bats kada araw na “nagsasakripisyo sa angkop at malusog na iskedyul sa pagkatuto,” ayon sa grupo. Dulot ito ng kakulangan ng mga klasrum at gusali para sa paparaming bilang ng mga estudyante.

Iniulat din ng mga guro ang malalaking bilang ng mga estudyante kada klasrum (mahigit 35), na dulot ng kasalatan ng mga titser.

Ang kapalpakan sa pagbubukas ng ilang paaralan sa full face-to-face dahil dulot ng mga sakuna ay patunay lamang ng kadusta-dustang (wretched) kalagayan ng mga paaralan na hindi nakakayanan ng mga ito na gawing normal ang mga operasyon sa gitna ng mga problema.

Sa gitna nito ay ang mga guro, na sobra-sobra ang trabaho at binabarat ang sweldo, na “nagkukumahog para makahanap ng mga solusyon sa bawat problemang sagka sa paglulunsad ng mga klase, at madaling pagbuntunan ng sisi sa mababang kalidad ng edukasyon,” ayon sa grupo.

AB: Lala ng krisis sa edukasyon, tampok sa lubos pagbubukas ng mga klaseng F2F