Mga empleyado ng barangay Payatas, tinanggal sa trabaho
Nagprotesta ang mga residente, myembro ng lupon at mga empleyado ng Barangay Payatas Quezon City sa labas ng barangay hall noong Pebrero 3 upang kundenahin ang pagkatanggal sa kanila sa trabaho nang walang ligal na batayan.
Noong Disyembre 2025 ay hindi na muling ni-renew ang kontrata ng apat na myembro ng lupon at iba pang kawani ng barangay bilang bahagi diumano ng isinagawang reorganization. Anila, ang pagtanggal sa kanila ng hindi dumadaan sa tamang proseso ay tahasang paglabag sa karapatan ng mga pampublikong kawani at mga boluntaryong naglilingkod sa barangay.
Nananawagan ang mga nagpuprotesta para sa transparency at pananagutan. Nanawagan din sila para sa agarang pagpapaliwanag sa mga dahilan ng kanilang pagkakatanggal at pagsunod sa proseso alinsunod sa batas.
Nakiisa sa pagkilos ang Kabataan Partylist-Quezon City at Bagong Alyansang Makabayan-Quezon City.