Balita

Mga magbubukid, pinaulanan ng bala ng mga armadong maton ng Hacienda Borromeo sa Cebu

,

Ilang ulit na pinaputukan at binantaang papatayin ng mga maton ng Hacienda Borromeo ang pinalalayas nitong mga magbubukid noong Setyembre 23 sa Barangay Pandacan, Pinamungahan, Cebu. Nilalabanan ng mga tenanteng magbubukid na kasapi ng Baybay II Farmers Association ang pagpapalayas sa kanila. Ilang henerasyon na silang nagbubungkal sa naturang asyenda.

Ayon kay Nick Abasolo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP)-Cebu, piantutunayan ng insidenteng ito ang nagpapatuloy na kawalan ng tunay na reporma sa lupa sa bansa. Pinasisinungalingan rin nito ang pahayag ng Department of Agrarian Reform Region 7 na 90% nang kumpleto ang pamamahagi nito ng lupa sa Central Visayas.

“Sa maraming dekada, inaagawan ng lupang binubungkal at pinalalayas ang mga magsasaka dahil sa monopolyo sa lupa, kung saan ang malalaking asyenda tulad ng Borromeo ay pinag-aarian ng iilang mayayamang pamilya,” ayon pa kay Abasalo.

Kaugnay nito, idiniin ni Danilo Ramos (Ka Daning), tagapangulo ng KMP at kandidato pagkasenador ng Koalisyong Makabayan, na mas nagiging kagyat ang pangangailangan para sa patas na pamamahagi ng lupa at pangangalaga sa karapatan ng mga tenanteng magsasaka.

AB: Mga magbubukid, pinaulanan ng bala ng mga armadong maton ng Hacienda Borromeo sa Cebu