Archive of AB Dailies

Krimen ni Duterte sa gera kontra droga, gustong itago ni Gloria Arroyo mula sa ICC
February 17, 2023

Binatikos ng grupong Karapatan ang resolusyong isinusulong ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at 18 iba pang mambabatas na bigyan si dating pangulong Rodrigo Duterte ng “unequivocal defense” o buong-pasyang pagtatanggol laban sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga krimen ni Duterte sa huwad na gera kontra droga. Inihain ni Arroyo ang resolusyon sa […]

Batas sa liberalisasyon ng bigas, pasakit sa magsasaka
February 16, 2023

Nagprotesta ang mga magsasaka at iba pang demokratikong grupo mula Metro Manila, Rizal, Laguna, Batangas at Cavite sa Department of Agriculture sa Quezon City noong Pebrero 14, ika-apat na anibersaryo ng pasasabatas sa pasakit na Rice Liberalization Law. Binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Amihan National Federation of Peasant Women at Bantay Bigas ang […]

Panunutok ng "military-grade laser" ng China sa barkong Pilipino, kinundena
February 16, 2023

Binatikos ng mga demokratiko at progresibong grupo ang agresyon at panunutok ng “military-grade” na laser ng Chinese Coast Guard (CCG) sa isang sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea noong Pebrero 6. Kaugnay nito, naghain ng isang resolusyon ang blokeng Makabayan sa House of Representatives para kundenahin ang naturang insidente at tuligsain […]

Protestang 'Black Hearts Day,' inilunsad ng mga manggagawang pangkalusugan
February 16, 2023

Nagtungo sa upisina ng Department of Health (DOH) ang mga manggagawang pangkalusugan mula sa pribado at pampublikong ospital para sa protestang ‘Black Hearts Day’ kasabay ng araw ng mga puso noong Pebrero 14. Ayon sa Alliance of Health Workers (AHW), kinalampag nila ang ahensya para ibigay sa kanila ang mga benepisyong nararapat at wakasan ang […]

Mga Dumagat-Remontado, naglakbayan laban sa Kaliwa Dam
February 16, 2023

Mahigit 300 katutubong Dumagat/Remontado ang nagsimula ng martsa noong Pebrero 15 para ipaabot ang kanilang mahigpit na pagtutol sa planong Kaliwa Dam. Mula sa baybay ng Sulok, Barangay Catablingan sa General Nakar, Quezon, nagsimula silang maglakad patungo sa Malacañang sa Maynila. Dadaan ang Alay-Lakad sa mga bayan ng General Nakar, Real, Famy, Pililia at Teresa, […]

Durog ang puso ng mga guro sa pagpapabaya ng DepEd
February 15, 2023

Naglunsad ng protesta ang mga guro sa pangunguna ng kanilang unyon na Alliance of Concerned Teachers-National Capital Region (ACT-NCR) sa pambansang upisina ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City kahapon, araw ng mga puso, para ipabatid kung gaanong kadurog ang kanilang puso sa pagbabaya ng ahensya sa kanilang kalagayan. Hiling ng mga guro sa […]

Pagbabalik ng harapang klase sa UP, sinalubong ng protesta
February 15, 2023

Ang muling pagbabalik sa harapang porma ng klase sa mga kampus ng University of the Philippines (UP) sa buong bansa ay sinalubong ng mga kilos-protesta ng mga iskolar ng bayan noong Pebrero 13. Binansagan nila itong ‘First Day Fight.’ Binuksan na ang mga kampus para sa harapang klase matapos ang ilang taong pagkakasara dulot ng […]

Ayuda para sa nagdurusang mga OFW, nakamit
February 15, 2023

Naigiit ng mga overseas Filipino workers (OFW) ang ayuda para sa mga nagdurusang OFW matapos dumugin ang upisina ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Pasay City kahapon. Ang protesta ay inilunsad ng mga kasapi ng Samahan ng mga Domestic Workers sa Gitnang Silangan) SANDIGAN, Migrante Philippines at Concerned Seafarers of the Philippines (CSP). Natulak […]

Karapatan ng dinakip ng PNP sa Cagayan, dapat kilalanin
February 15, 2023

Nanawagan ang mga grupong tagapagtaguyod sa karapatang-tao na igalang ang karapatan ng isang dating estudyante ng De La Salle University (DLSU) na ayon sa ulat ng pulis ay nadakip sa isang labanan sa Baggao, Cagayan noong Pebrero 13 ng hapon. Ayon sa grupong Karapatan-Cagayan Valley (CV), dapat igalang ng 5th ID at mga pulis ang […]

Pagwawakas sa gera ng US-NATO sa Ukraine, ipinanawagan
February 15, 2023

Ipinanawagan ng International People’s Front ang pagwawakas sa gera ng US at ng alyansang North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Ukraine isang taon mula nang ilunsad ito noong Pebrero 12. “Nananawagan ang International Peoples’ Front sa lahat ng mga mamamayan na magkaisa, mag-organisa at militanteng lumaban para wakasan ang gera ng US-NATO sa Ukraine,” ayon […]