Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

NTF-Elcac, kinasuhan ng mamamahayag
September 12, 2023

Naghain ng kasong sibil sa Quezon City Regional Trial Court ang mamamahayag na si Atom Araullo laban sa mga ahente ng National Task Force-Elcac na si Lorraine Badoy-Partosa at Jeffrey Celis nitong Lunes, Setyembre 11. Isinampa niya ang kaso kaugnay ng walang tigil na paninira at pagkakalat ng kasinungalingan nina Badoy-Partosa at Celis kay Araullo […]

Laban ng manggagawa sa Jollibee sa New Jersey, nagpapatuloy
September 11, 2023

Muling nagprotesta noong Setyembre 8 ang tinanggal na mga manggagawa ng Jollibee Journal Square sa New Jersey para igiit na ibalik sila sa trabaho at dinggin ang kanilang petisyon para sa nakabubuhay na sahod at maayos na kundisyon sa paggawa. Inilunsad ang protesta matapos itanggi ng Jollibee ang mga reklamong inihain ng National Labor Relations […]

Pagkawala ng 2 kabataang aktibista, kunektado sa reklamasyon ng San Miguel
September 11, 2023

Naglunsad ng protesta ngayong araw, Setyembre 11, ang mga kamag-anak, kasama, taong-simbahan mula sa United Church of Christ in the Philippines (UCCP), mga kasaping mangingisda ng Pamalakaya mula sa Cavite at mga myembro ng AKAP Ka Manila Bay para ipanawagan ang kagyat na paglilitaw sa dalawang aktibista na dinukot ng mga ahente ng estado. Dinukot […]

Panibagong tulak para linisin ang pangalang Marcos sa akademya, kinundena
September 11, 2023

Kabi-kabila ang pagkundena ng mga guro at akademiko, gayundin ng mga biktima ng diktadurang Marcos, sa hakbang ng Department of Education (DepEd) na tangggalin ang pangalang “Marcos” bilang kakambal ng “diktadura” sa mga aralin kaugnay sa 14-taong diktadura ni Ferdinand Marcos Sr sa mga librong pang-elementarya. Isinapubliko noong Setyembre 10 ang isang memorandum mula sa […]

Operasyon ng 62nd IB sa Negros Occidental, binulabog ng BHB
September 11, 2023

Pinaputukan ng mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang nag-ooperasyong tropa ng 62nd IB sa Purok Tumpok, Barangay Riverside sa Isabela, Negros Occidental noong Agosto 30. Nagpapahinga ang naturang tropa ng 62nd IB nang bulabugin ng BHB bandang alas-9:30 ng gabi. Sa ulat ng BHB-Central Negros, isang sundalo ang napatay habang dalawang iba […]

Higit ₱10 bilyong halaga ng gamot at bakuna, sinayang ng DOH
September 11, 2023

Bilyun-bilyong halaga ng gamot at bakuna ang sinayang ng Department of Health noong nakaraang taon dulot ng “sobrang paggasta, di maayos na proseso ng procurment at palpak na distribusyon at sistema ng pagmonitor.” Ayon sa Commission of Audit (CoA) na nagsagawa ng awdit dito, nagresulta ito sa “pagwawaldas ng pondo at rekurso ng gubyerno.” Sa […]

Mga manggagawa sa Calabarzon, di natuwa sa ₱35-₱50 dagdag sahod
September 10, 2023

Hindi natuwa ang mga manggagawa sa Region IV-A sa wage order na ipinalabas noong Setyembre 8 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board in Region IV-A. Sa Wage Order No. IVA-20, itataas ang sahod ng buong Calabarzon nang ₱35 hanggang ₱50 para sa mga manggagawa sa agrikultura, di agrikultura, mga manggagawa sa retail at serbisyo, […]

Mga estudyante, nagprotesta laban sa pagtapyas ng badyet para sa edukasyon
September 10, 2023

Isinagawa ng grupong Anakbayan ang isang candle lighting at protesta sa harap ng Philippine General Hospital sa lunsod ng Maynila noong Setyembre 8 para ipagtanggol ang karapatan ng kabataan sa libreng edukasyon. Binatikos nila ang kakulangan ng suporta ng estado sa sektor at mga mapaniil na patakaran nito tulad ng binabalak na mandatory ROTC. “Saksi […]

Enrolment para sa taong 2024-2025, bagsak nang 3 milyon
September 08, 2023

Ikinabahala ng Alliance of Concerned Teachers ang nairehistrong tatlong milyong pagbagsak ng bilang ng mga nag-enrol para sa taong 2024-2025. Ayon sa talaan ng Department of Education, nasa 25.9 milyon pa lamang ang nakapag-enrol noong Setyembre 5, mas mababa ng tatlong milyon sa 28.8 milyong target na bilang ng estudyante para sa taon. Nagsimula na […]

Badyet para sa pensyon ng mga sundalo at pulis, mas malaki kumpara sa badyet para sa agrikultura
September 07, 2023

Sukdulan ang pambubundat ng reaksyunaryong estado sa pasistang makinarya nito na mas mataas pa ang inilaang badyet para sa mga retiradong pulis at sundalo kaysa sa inilalaan nito para sa pagpapaunlad ng agrikultura. “Mas malaki pa ang badyet para sa pension ng pulis at militar kumpara sa badyet para agrikultura,” batikos ng KMP. ‘Maling-mali ang […]